Monday.
Ngayong araw na ang registration para sa Grand Arena. Wala ring pasok sa klase dati dito. Kanina pa nga ako gising ng alas singko y media ng madaling araw at hindi na ako makatulog kahit anong pilit ko.
Ang alam ko ay alas otso ng umaga ang umpisa at doon sa maluwag na field ito gaganapin. Ang mga student council din ang nag organize para dito.
Pagkalabas ko ng dorm ay ang dami ng estudyanteng naglalakad. Yung iba ay nagmamadali pa, at yung iba naman nagtatawanan pa. Marahil katulad ko ay sasali din sila dahil patungo sila sa field.
Nang makapunta na ako don ay may mga booth pa. Kung hindi ako nagkakamali ay dun pipila ang mga estudyante para mag sign up dahil may malaking sign na nakalagay na Registration Form Here. Siguro mga lima din ito at may mga student councils na naka assign bawat isa.
Nakita ko naman si Khaile sa isang booth kasama si Ulysses at mukhang busy sila kaya hindi ko na sila nakawayan man lang. Dami na rin kasing nakapila. Halos kumpleto lahat ng student council na naroon.
Napatingin ako sa bandang dulo at hindi ako nagkakamali dahil nandoon nga siya. Si Cyrus kasama niya si Frostine doon.
Ngayon ko lang ulit siya nakita pagkatapos nung pinag stay ko siya sa loob ng dorm ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung may sinabi ba siya nun bago ako makatulog o baka imahinasyon ko nalang yun dala na rin ng pagka antok ko.
Mukhang naka-hiwalay ang booth ng mga Excemption at Superior. Nakahati kasi ito, nasa kaliwa ang mga Excemption samantalang sa kanan naman ang Superior.
"Praily!"
Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses.
"Oh kayo pala Daniella at Crizzalyn! Sasali din ba kayo?" nakangiting tanong ko sa kanila. Mukhang tumakbo sila papunta dito sa field dahil hinihingal pa sila.
"Dani nalang hehe. Oo sasali din kami, kaya nagmadali kaming magpunta dito." kwento ni Daniella.
"Tsaka tagal na kasi naming hinintay ito at katulad ng dati, marami na naman ang sasali." sabi naman ni Crizzalyn.
"Pansin ko nga. Dami ng nakapila pagkapunta ko dito." sabi ko sabay tingin sa iba pang estudyante.
"Tara makipila na rin tayo." sabi ni Dani.
"Dun tayo oh mas konti ang pila dun, para madali tayong matapos!" turo ni Crizza dun sa booth nina Crimson at Hanna.
"Bakit dun? Kina Ulysses o kay Cyrus nalang! Sayang wala si Zypher kaiyak." sabi naman Dani.
"Landi mo talaga! Pero ok lang pareho tayo hahaha. Lapitan nalang natin sila maya pagkatapos natin pa register. Mas mabilis kasi kung sina Hanna." sabi ni Crizzalyn na natatawa.
Napapangiti nalang ako sa kanilang dalawa.
"Uhmm kasi nakahati ata yung registration booth between Superior and Excemption." singit ko sa kanila.
"I know right! Sige na nga tara na dun kina Hanna. Ok lang ba sayo Praily?" baling sa akin ni Dani.
Tumango naman ako sa kanila. "Oo naman, ok lang sa akin kahit saan." sagot ko. Pumunta naman sila doon sa booth nila Hanna at sinundan ko lang sila. Napatingin nalang ulit ako sa booth nina Cyrus at napansin ko tumingin din siya sa gawi ko pero agad din niyang hinarap yung estudyante doon.
Pumila na rin ako habang nasa harapan ko naman sina Crizzalyn at Dani. Ang tagal din naming naka-pila doon sa tingin ko ay umabot din ng dalawang oras.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action