Bukas na ang Hestia Festival. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa pag-transfer ko sa Superior. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Akala ko kapag nagka-mahika ako ay magiging maayos na ang lahat pero nagkamali pala ako. Paano nalang sa birthday ni Sophy? Mukhang hindi na ako makakasama.
Hindi na ba talaga ako pwedeng mag-stay dito sa Hestia kasama sina Sophy at Abby?
"Prai, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Sophy habang inaayos ang higaan niya.
Umiling naman ako. "Maya-maya siguro. Hindi pa ako dinadalaw ng antok."
"Ganun ba, kung ganoon samahan nalang kita." nakangiting sabi nito. Lumapit naman siya sa akin.
"Sigurado ka ba? Baka inaantok ka na dyan."
"Oo naman. Teka alam ko na, dito tayo." sabi nito. Binuksan niya ang bintana at pumunta sa maliit na balcony.
"Teka, baka naman mapagalitan tayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Alam ko makailan beses na akong lumabas ng hindi nakikita at makailan beses na rin ako nakapasok gamit ang bintana pero ok lang sa akin na ako yung pagalitan wag lang sina Sophy.
Sumunod naman ako sa kaniya.
"Tulog na siguro sila niyan. Tsaka tignan mooh, ang liwanag ng buwan." sabay turo niya gamit ang daliri niya.
Pinagmasdan ko naman ito. Ang gandang tignan ng kalangitan. Napapaligiran ang buwan ng napakaraming stars, ang sarap titigan nito. Itinaas ko ang kanang kamay ko at itinapat sa buwan ang thumb ko habang nakapikit ang isang mata ko.
"Ang laki ng buwan pero kapag malayo parang ang liit lang. Parang ang daling abutin." sabi ko.
"Oo nga eh, sana nga ganyan pati sa buhay ng tao. Maabot mo yung mga gusto mo." napatingin ako kay Sophy. Nakatingin pa rin siya sa kalangitan at napakseyoso ng mukha nito.
Nang maglaon ay nag-aya na rin siyang pumasok na sa loob. Nung papasok na kami ay may naramdaman akong gumalaw sa mga puno. Kaya napatingin ako dito.
Hmm, wala namang tao. Baka imagination ko lang ciguro.
"Prai may problema ba?" pagtawag sa akin ni Sophy.
Umiling naman ako sa kaniya. "Wala naman. Akala ko lang may nakita ako. Imagination ko lang siguro." sabi ko naman.
Tumango naman siya sa akin at dumiretso na kami sa loob.
Kailan ko kaya masasabi kay Sophy ang tungkol sa paglipat ko sa Superior? Lalo na birthday pa naman niya sa lunes. Baka hindi na ako makasama sa pagdiwang nito sa araw na yun. Bahala na.
.
Nagising ako ng 4 am dahil kailangang maaga ako sa festival since isa ako sa mga volunteer. Tulog pa rin si Sophy. Agad naman akong nag-ayos at sinuot yung uniform na binigay sa amin para alam ng mga nandoon na isa kami sa staffs. Kulay itim ito na may mahabang manggas at palda na lagpas tuhod ang laki.
Kumuha ako ng papel at naisipan na mag-iwan ng note para kay Sophy.
Sana mag-enjoy kayong dalawa ni Abby mamaya. Advance Happy Birthday!
-Praily :)
.
Nandito na ako sa festival pati na rin iba pang kasama ko. Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming station. May mga operators yung bawat isang ride at yung mga booths naman ay may dalawa o tatlong tao ang naatasan na magbantay doon.
Ang ganda ng pagkakagawa ng mga booth. Ang liit lang pag tinignan mo sa labas, pero kapag pumasok ka ay ang luwang. Meron marriage booth, jail booth, food booth, at marami pang iba. Sabagay nothing is impossible with magic.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action
