Pagkatapak ko palang sa lupa ay iba na ang naging pakiramdam ko. Iyong hangin na nalalanghap ko ngayon ay hindi mapapantayan ng kahit ano pa man. Namiss ko talaga dito. Gabi na ngayon at nasisiguro kong tulog na din mostly ang mga tao sa ganitong oras.
Napukaw ang atensyon ko ng magsalita si Ulysses. "Umpisahan na natin ang paghahanap. Tandaan niyo na limang oras lang ang ilalagi natin dito kaya dapat nating sulitin iyon."
Nagsi-tanguan naman kami sa kaniya.
"Mukhang mas maganda kung magkahiwa-hiwalay tayo at gawing dalawa ang grupo para mapadali." suhestyon naman ni Yngrid.
"Tama si Yngrid, mapapabilis ang ating paghahanap." sang-ayon ni Khaile. Nakatingin lang naman ako sa kanila habang nagsasalita. Si Frostine naman ay ngumuguya ng kendi sa bibig at tahimik lang din na nakamasid.
"Ngunit mapanganib kung gagawin natin iyon. Alam nating hinahanap rin ng Mystique ang Blessed One, kaya posibleng nandito rin sila ngayon. Ayokong mapahamak ang isa man sa atin." seryosong saad ni Ulysses.
Hindi ko maiwasang ma-guilty sa sinabi niya dahil hindi nila alam na nandito ang espiya ng mga Mystiques, kasama nila ngayon-- Ako.
"May point si Ulysses, isa pa baguhan palang dito si Praily. Kailangan pa niya ng gabay natin." sabi naman ni Frostine na sinasang-ayunan si Ulysses. Mukhang hindi na rin ito nakatiis na hindi magsalita.
Napatingin naman silang lahat sa akin kung kaya't napakagat ako sa labi ko.
"Uhmm, kaya ko naman ang sarili ko. Ayoko rin namang maging pabigat sa inyo. Promise okay lang talaga ako." tanging nasabi ko nalang.
"Sigurado ka ba?" paniniguro ni Ulysses.
Tumango naman ako sa kaniya. Kung kaya't napagpasyahan naming lahat na hatiid sa dalawang grupo. Kasama ko si Yngrid at Khaile, samantalang magkasama naman sina Frostine at Ulysses. Hindi naman kasi pwedeng magkahiwalay ang dalawang yung dahil Bonded na sila. Kami ang pupunta sa East at North, at sila naman ang sa West at South.
"Yngs, Praily sa tingin ko dito tayo magsisimula sa East patungo sa North, tutal na compile ko na ang listahan ng mga pwedeng maging Blessed One. Base sa nakikita ko ay mas marami dito." sabi ni Khaile habang tinuturo nito sa Ltech yung pupuntahan namin. May mga red dot doon na sa tingin ko sila ay yung mga may marka ng Blessed One.
Tumango naman kaming dalawa sa kaniya.
"Since nandito na tayo sa gitna, unahin natin yung malapit lang dito." sabi naman ni Yngrid.
"Sige Yngs. Oo nga pala Praily, hindi tayo makikita ng mga mortal dito. Tanging mga magic-users lang ang may kakayahan." paliwanag ni Khaile. Napakunot ang noo ko.
"Papaano? Nakikita naman nila ako dati nung dito pa ako naninirahan."
"Iba na ngayon, nakapasok ka na sa Hestia kung kaya't kabilang ka na sa amin. I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Nasabi na sa akin ni Crimson ang dahilan kung bakit siya nakipagpalit sayo." sagot pa nito.
"Ganun ba? Eh bakit si Mr. Finn ay nakita ko nung sinundo niya ako dito?" tanong ko.
"Actually hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa amin si Mr. Finn. Ang alam ko lang ay assistant siya ni Mr. Hestia ang headmaster natin. Kaya siguro nagawa niyang magpakita sayo."
Feeling ko ay nanlumo ako sa narinig ko. Ibig sabihin hindi ako makikita ni Liz.
"Teka, gusto ko lang ipaalala na hindi tungkol sayo ang paglabas natin dito kundi dahil sa mission. Huwag mo sanang kalimutan iyon." madiin na sabi ni Yngrid habang nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasiWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action