7. Shopping

9.9K 390 14
                                    

Two weeks na rin akong pumapasok dito sa skul. Tuwing training ay laging weapon ang ginagamit ko. Masasabi kong nag-improve na rin ako dahil hindi lang isang dummy ang nakakalaban kundi tatlo. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang mahika ko.

Baka naman hindi talaga ako nararapat sa eskwelahan na to?

"Iniisip mo pa rin ba yun?" Tanong ni Abby sa tabi ko. Saturday ngayon at walang pasok. Nandito kami sa garden ngayon at nakaupo.

"Sabihin mo nga sa akin Sophy, paano kung wala pala ako nun? Ano nalang mangyayari sakin?" tanong ko habang gumagawa ng bilog sa table gamit ang daliri ko.

Umiling ito. "Hindi ko alam. Pero hindi ba yung headmaster mismo ang nagpapasok sayo dito? Hindi ka naman niya siguro dadalhin dito sa Hestia kung wala siyang nakikita sayo. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Naniniwala ako na lalabas din yan sa tamang panahon." Mahabang wika nito.

"Mabuti nalang nandyan ka at si Abby. Kung wala siguro kayo baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko." 

"Teka narinig ko ata ang pangalan ko ah!" kadarating lang ni Abby at humahangos pa siyang umupo. Halatang pagod na pagod.

"Wala masaya lang ako at nakilala ko kayong dalawa." Ngumiti ako sa kanila.

"Naku wala yun!" sagot naman ni Sophy.

"Oo nga. Anyways tama na yang drama. Mabuti pa lumabas nalang tayo. Saturday ngayon no! Let's go shopping!" sabi ni Abby at pinakita niya yung mga coupons na dala niya.

"Andami naman nyan. Saan mo galing?" tanong ko.

"Inutusan kasi ako ni Ms. Sanlee na ibigay sa office yung mga papers na hawak niya. Pagkatapos binigyan niya ako nito bilang kabayaran. Hindi naman daw niya kailangan so tinanggap ko nalang din." 

"Kaya pala mukhang pagod na pagod ka! Sige let's go!" itinaas pa ni Sophy ang kaliwang kamay niya.

Kaya naman itinaas rin naman ni Abby ang aming kamay.

"Tara!" sabay na sabi namin.

Wala akong ibang masabi dahil wow na wow talaga dito sa Hestia Shopping Center. Ang laki nito tapos ang daming mga stores. May mga nagbebenta ng magic potions, charms at kung ano-ano pa.

"Iha, baka gusto mong subukan itong Lucky charm na ito. Magiging swerte ka sa araw na ginamit mo ito." sabi sa akin nung matandang babae sa counter. 

Ang ganda kasing tignan ng mga potions dito at iba-iba pa. Nandito sina Sophy at Abby pero nasa gem section sila.

Napatingin naman ako sa hawak nung matanda.

Gumagana kaya talaga itong mga ito?


"Huwang kang mag-alala dahil mabisa ito. Itong yung mabenta dito sa store ko at binabalik-balikan nila." nakangiti naman sabi nito.

"Hmm. Magkano po ba yan?" tanong ko naman sa kaniya.

"40 zetans lang iha." Yan yung pangalan ng pera nila dito.

Tinignan ko naman yung coupons na binigay sa akin ni Abby. 300 zetans ito.

"Sige po bbilhin ko." sabay abot ko sa kaniya.

Binalot niya yung potion at inilahad sa kamay ko.

"Salamat iha. Bumalik ka dito kapag hindi umepekto." sabay wink nito.

Napangiti nalang ako sa inasal ng matanda dahil parang bagets ito kung kumilos.

"Sige po. Maraming salamat din po." sabi ko naman at umalis na.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon