Magkakatalikod kaming tatlo nina Kaye at Crizza.
"Guys, huwag niyo munang gamitin ang mahika niyo okay? Save natin mamaya." sabi ni Kaye.
Tumango naman kaming dalawa ni Crizza.
"Unahin natin yung number 1." suhestiyon ko. Napanuod ko ang laban niya nung Preliminary round at mahilig itong mag obserba ng kilos at galaw. Binalaan ko rin sila tungkol dito.
"Sige." sabi naman ni Crizza.
Pagkasabi ng host na start ay agad na naglaban laban ang mga kalahok. Yung iba ay hiwa-hiwalay at yung iba naman ay katulad namin ay mas pinili nilang pagtulungan ang isa.
May nakauna na sa amin kay number 1 kung kaya kinalaban nalang muna namin yung babaeng kalaban nito, si number 30. Hindi naglaon ay tuluyan na itong bumagsak dahil na rin masyado kaming marami.
"Salamat." sabi ni nung lalaki na si number 1.
"We're not here to help you out. You're next!" sagot naman ni Kaye.
Medyo naawa ako dun sa lalaki kahit papaano.
Mukhang napansin ni Crizza ang itsura ko kaya naman bumulong ito sa akin. "Alam ko ang nararamdaman mo pero kailangan nating gawin ito."
Tumango nalang ako sa sinabi niya at tinulungan na namin si Kaye na kalabanin siya dahil nauna na itong umatake sa amin.
Katulad nung pinanuod ko siya ay mahahalata mong binabasa nito ang bawat kilos namin. Ngunit wala rin siyang nagawa nung sabay-sabay namin siyang inatake ng aming sandata samantalang bow naman ang kay Crizza, kung kaya't siya ang nagsisilbing look-out namin in case na may umapelang iba.
Napansin kong nakatingin lang sa amin yung tatlo na iba pang kalahok.
Pumalakpak yung isa sa kanila at nagsalita. "Salamat sa pagtapos niyo sa iba pang mga kalahok. Hindi na namin kailangan pang mapagod." sabi ni 9 habang nakapamaywang pa at humalakhak pa pati yung dalawa niyang kasama na sina number 12 at 6.
"Whatever. Ang sabihin niyo mga duwag kayo." sabi naman ni Kaye.
Yun pala ang plano nila.
"Oo nga. Hindi niyo kami kaya, kung kaya't hinintay niyo muna kaming mapagod!" pagsang-ayon naman ni Crizza.
"Hayaan nalang natin sila." mahinang sabi ko sa kanilang dalawa.
Mukha silang nagalit sa sinabi ng mga kasama ko ngunit napalitan din iyon ng ngisi pagkatapos. "This is what we called strategy. Tanga na lamang kayo dahil hindi niyo man lang napansin!" sagot ni number 9.
"Dami mo pang satsat! Simulan na nga natin ang laban!" mataray na sabi ni Kaye.
Pumosisyon na kaming tatlo. Kami ni Kaye ang nasa harap samantalang si Crizza ang nasa likuran namin.
Nagsimula na silang umatake sa amin. Axe at espada ang gamit nilang sandata. Ang bibilis halos nilang kumilos, mabuti nalang at nasasabayan pa rin namin sila kahit na napagod na kami kanina sa pakikipaglaban sa iba pang Superior. Itutusok ko sana yung spear ko kay number 9 dahil busy ito sa kaka-atake kay Kaye ngunit sinangga naman ito ni 6.
"Praily sa likod mo!" sigaw ni Kaye. Kaya mabilis akong lumingon. Napakalapit na sa akin ni number 12 kung kaya iwinasiwas nito ang axe na gamit. Natira ako sa kaliwang braso. Buti naman at galos lang ang natamo ko dahil napana na siya ni Crizza sa kamay kung kaya nahulog ang axe na hawak nito.
"Thanks!" I mouthed to her at tinanguan lang ako nito. Hinarap ko naman ngayon si 12. Pinupulot pa lang niya ulit yung axe ngunit agad kong sinipa yung axe kung kaya napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mata niya nang bigla kong tinusok sa dibdib niya yung Spear ko.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action