4. History

12.2K 352 10
                                    

Natapos na yung klase ni Ms. Sanlee at nakalagay sa schedule na binigay sa akin ng headmaster na may 30 minutes pa akong break bago ang susunod na klase.

"Praily, patingin naman ng schedule mo." sabi ni Sophy. Nakaupo kami ngayon dito sa isa sa mga bench na malapit sa cafeteria.

"Sure eto." inabot ko sa kaniya.

"Oh classmate naman pala tayo sa next class which is History!"

"Talaga? Buti naman at may kakilala ako agad dun." masigla kong sabi.

"Magugustuhan mo dun gwapo yung teacher natin! si Mr. Philippe!" Kinikilig pa na sabi nito.

Ano kaya itsura ni Mr. Philippe? Mukhang sikat siya sa skul ah.

"Pero matanong ko lang Sophy, bakit may ganun si Ms. Sanlee? Yung enerhiya sa kamay niya paano niya nagawa yun?"

Nakita ko naman na kumunot ang noo niya.

"Bakit hindi mo alam yun? Don't tell me hindi sinabi sayo ng magulang mo ang tungkol sa mga magics and stuffs?"

Magulang. Si mama lang ang meron ako at wala siyang sinabi sa akin ng tungkol dito.

Umiling naman ako kay Sophy. Napansin naman niya na nalungkot ako.

"Pasensya na ha Praily, Ang daldal ko kasi. "

"Hindi ok lang. Masasanay din naman siguro ako dito."

"Oo nga pala, bakit hindi ka pa naka- uniform?"

"Ngayon araw lang kasi ako dumating dito."

"Ay ganun. Hmm pwede bang Prai nalang tawag ko sayo?"

Naalala ko na naman si Liz dahil magka-ugali talaga sila. Ganyan din ang tawag niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot.

"Sorry may nasabi ba akong mali? Sige Praily nalang."

"Hindi ok lang, naalala ko lang kasi yung kaibigan ko sayo. Salamat at nakilala kita may nakakausap ako dito sa skul." Nginitian ko naman siya.

Niyakap naman niya ako ng mhigpit.

History Class

Katulad ng sinabi ni Sophy gwapo nga yung teacher namin si Sir Philippe . Siguro ka-edad lang din siya ni Ms. Sanlee kung hindi ako nagkakamali.

Iba yung pamamalakad ng klase nila dito. Yung mga estudyente mismo ang pumupunta sa classroom ng mga teacher kung kaya iba-iba rin ang mga nagiging kaklase ko. Kaya masaya ako dahil kasama ko pa rin si Sophy.

"Ayon na rin  sa ating mga  ninuno, nagmula ang mahika sa isang tao. Siya ay walang iba kundi si Frederick Saenz. Gusto niyang maibahagi ang kaniyang kapangyarihan sa isang taong karapat-dapat na may mabuting puso. Dahil na rin sa kaniyang edad, alam niyang hindi na siya magtatagal pa sa mundo. Kaya nagsimula siyang maghanap ng kaniyang kanang-kamay.

Nakilala niya sina Damon Armstrong, Stanley Ford at Veronica Klum. Inihanda niya ang mga ito sa pamamagitan ng pag-ensayo niya sa mga ito hanggang sa mahasa ang kanilang kakayahan. Dahil na rin sa lagi silang magkakasamang tatlo ay naging matalik silang magkaibigan. Hanggang sa dumating yung araw na pumili si Frederick sa kanilang tatlo.

May inihandang tanong ito sa kanila at kung sino ang magustuhan niya ang sagot ang siyang pipiliin niya. At ang tanong na iyon ay Kapag nakuha mo ang kapangyarihan ko ano ang gagawin mo?

Ang sagot ni Damon ay Pangangalagaan ko ang mundo at sisiguraduhin kong magiging payapa.

Ang sagot naman ni Veronica ay Tutulungan ko ang mga tao sa abot ng aking makakaya.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon