Pinakilala ako ni Khaile kay Ulysses maging ang mga kasama ko na sina Jasmine at Dylan. Kung magturingan nga kami ay parang kakakilala lang namin. Siguro hindi niya sinabi sa mga kasama niya yung tungkol sa nangyari kagabi. Sa tingin ko mas ok na yun dahil baka mapagalitan pa ako sa mga nakatataas kapag nalaman nilang sumuway ako sa kanila.
Nakaupo ako sa mahabang sofa katabi ang mga Helia na kasama ko. Sabi ni Khaile ay mag-sisimula na kami sa meeting ukol sa gaganaping Hestia Festival. Nakaupo ang mga Familiar sa gilid namin samantalang ang mga Superior naman ay kaharapan namin. May mahabang table naman sa gitna at nakalagay doon yung mga pagkain.
Yung ayos nitong room ay parang nasa sala ka lang at makikipag-kwentuhan. Weird.
Si Khaile, Hanna Ulysses, at Crimson ang representatives ng mga Superior. Sina Griffin, Frostine, Atlas at Cyrus naman ang sa Familiar.
"So sinong gustong mag-suggest ng mga gagawing activities para sa festival?" tanong Khaile. Tumayo siya sa inuupuan niya at ngayon ay tinitignan kami bawat isa.
"How about gawin nalang natin yung kagaya ng last year?" sabi ni Frostine habang inaayos ang mahaba nitong buhok. Katulad ni Khaile ay napaka-ganda din nito.
Umiling naman si Khaile. "Ang boring naman nun. Dapat may mga bago tayong maidagdag, yung bago sa paningin ng lahat!" nagniningning pa ang mga mata nito habang nagsasalita.
"Hmm. Magic show?" suggest naman ni Hanna.
"Huwag yun very common na yun. Alam naman nating lahat na may magic tayo."
Tahimik lang akong naka-masid sa kanila. Pati ang dalawang katabi ko ay hindi nagsasalita. Malamang ay masyado silang na-iintimidate sa mga kasama namin ngayon.
"Aish! Lahat na lang ng suggestions inaayawan mo. Wala na nga kaming maisip!" reklamo naman ni Crimson na ngayon ay nakasimangot na.
"Hoy hoy hoy lalaki! Makapag-reklamo ka wagas! Akala mo naman ang dami mong nagawa last year! Eh puro upo lang naman ginawa mo sa event!" Naka-taas pa na kilay na sagot ni Khaile.
Napatingin naman kaming lahat kay Ulysses dahil tumayo ito. Lumapit siya dun sa parang cabinet at binuksan niya iyon.May mga kinuha siya doon at bumalik siya sa amin pero nakatayo na rins iya ngayon. Pinamigay niya sa amin yung papel at pansulat.
"Anong gagawin namin dito?" Tanong ni Frostine habang hawak-hawak ang papel.
"Isulat niyo nalang dyan lahat ng mga suggestions niyo." sabi nito at umupo na.
"Magandang ideya yan Ulysses kaysa kay Khaile na puro dada ng dada!" sagot naman ni Crimson. Sinamaan lang siya ng tingin ni Khaile.
Hindi ko naman maiwasan mapangiti sa kanilang dalawa. Kung titignan sila ay parang katulad lang namin silang mga Helia kung mag-asaran.
Napatingin ako sa iba at mukhang nagsusulat na sila.
Ano naman kaya ang ilalagay ko?
Wala akong maisip. Never pa naman kasi akong sumali sa mga activities sa eskwelahan kasi feeling ko hindi ako nababagay sa mga ganoon.
Teka, alam ko na.
Sinulatan ko na rin ang papel at tinupi ito. Kinuha naman ni Khaycee ang papel sa amin.
Hindi ko alam kung pwede ba yung naisip ko. Kasi don pa sa mundo ng mga normal ko pa nakita yun. Feeling ko kasi masisiyahan ang Helia. Napangiti nalang ako kasi naalala ko si Sophy.
"Ok so babasahin ko lahat ng suggestions niyo. Griffin, paki-kuha naman yung whiteboard." tumayo namn si Griffin at kinuha ang whiteboard sa dulo ng room at nilagay sa tabi ni Khaile.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action