Sa loob ng dalawang linggo ay wala akong ginawa kundi puro training lang. Pati weekends ay lagi ako sa training room. Minsan ako lang mag-isa at minsan naman ay tinutulungan ako nina Khaile na ang mahika ay Sonic Scream- kapag sumigaw siya ay nakakabingi at maaring ikamatay ng isang tao at si Hanna ay naman ay Mind Manipulation- kaya niyang manipulahin ang isipan ng isang tao.
Kapag may klase naman ay si Cyrus ang madalas kong makalaban dahil siya ang partner ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapakita ang kaniyang mahika. Espada lang ang tanging gamit nito pero hindi ko pa rin siya matalo-talo kahit na anong gawin ko.
Dalawang araw na lang ang natitira at magsisimula na ang pinakahihintay ng lahat na Grand Arena. Isang beses ko pa nga lang nadalaw ang mga kaibigan ko sa Helia magmula ng magtraining ako. Buti naman at naiintindihan nila ako.
Malaki na rin ang pinagbago ko dahil malaya ko ng na kokontrol ang kalasag ko. Marami na akong skills na natutunan at yun ay dahil sa tulong ng mga kaibigan ko. Ang kailangan ko nalang gawin ay pag-aralan ang mahika ng mga kasali para alam ko ang gagawin at makabuo ng plano kapag nakalaban ko na sila.
Nandito ulit ako ngayon sa training room. Ako lang mag-isa at mga dummy lang ang kinakalaban ko- 10 dummies to be exact. Hindi ako gagamit ng mahika dahil gusto kong ma-ensayo ang aking pisikal na pangangatawan. Naalala ko nung unang training ko sa academy- nung Helia pa ako, nahirapan na ako agad sa isang dummy palang. Pero ngayon parang ang dali na lang ngayon nito.
"Ms. Gomez nagtetraining ka pa rin pala."
Tumigil ako sa ginagawa ako at nilingon ang tumawag.
"Mr. Sazh!" pagtawag ko dito. Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Kanina pa kita pinapanuod, ang laki na ng pinagbago mo." nakangiti nitong sabi sa akin.
Hindi ko napansin ang presensya niya kanina siguro dahil masyadong nakatuon ang isip ko sa mga dummies na kalaban ko.
"Pasensya na po kung hindi ko kayo agad napansin." paghingi ko ng paumanhin.
Itinaas nito ang dalawang kamay at umiling. "Nothing to worry Ms. Gomez, iyon talaga ang plano ko. Gusto muna kitang pagmasdan kung paano lumaban at nakita kong handang-handa ka na."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Isa po kayo sa mga taong tumulong sa akin lalo na nung nasa Helia pa ako. Kaya kung ano man po ako ngayon ay dahil sa inyo yun. Maraming salamat po Mr. Sazh." niyakap ko naman siya.
"Aba aba! Kadarating ko lang at drama na agad ang nasaksihan ko!" kilala ko ang boses na iyon. Agad akong tumingin sa direksyon niya at may kasunod itong lalaki sa likod.
"Ms. Sanlee, Mr. Philippe nandito rin po kayo!" masayang bati ko. Nag-salute naman si Mr. Philippe sa akin. Gwapo pa rin talaga niya. Lumapit sila sa aming dalawa ni Mr. Sazh.
"Gusto lang naming dalawin ang isa sa mga naging estudyante namin." sabi ni Ms. Sanlee.
"Masaya po ako na nandito kayo ngayon. Lumakas po lalo ang loob ko."
"Manunuod kami sa laban." sabi ni Mr. Philippe.
Tumango naman ako sa kanila. Feeling ko ay maiiyak ako sa oras na yun dahil madaming tao pala ang sumusuporta sa ginawa ko.
Nagpaalam na rin sila pagkatapos nun.
.
.
.
Ngayon araw na gaganapin ang Grand Arena. Kahapon ay nagpahinga lang ako para nasa kondisyon ang akin katawan.
Suot ko ngayon ang binigay na uniform ng academy- black workout leggings and a matching top plus isang pares ng combat boots para sa mga kalahok dito. Maganda rin ito dahil flexible siya, meaning makakagalaw ako ng maayos. Tinali ko rin ang mahaba kong buhok para hindi agaw-pansin sa aking mukha.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action