Hawak-hawak ko ngayon ang Spear ko habang siya naman ay isang Mace-isang sandata na may mabigat at pabilog na metal sa ulo nito.
Magsasalita pa sana ako ng magsimula na itong umatake. Nakailag naman ako dito at tumalon. Pinaikot-ikot niya ang mace ang kamay nito at mabilis na nakalapit sa kinaroroonan ko. Iwinasiwas niya ito papunta sa tagiliran ko at napunit nito ang suot kong damit.
Muntik na
Makailan beses pa siyang tumira at naiiwasan ko naman ito.
"This is getting boring." sabi nito. Lumayo naman ako sa kaniya. Nag-stretch pa ito ng kamay at dumiretso ng tayo.
Lumapit ito sa parang machine at may pinagpipindot-pindot doon.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Makikita mo rin." sabi nito habang nakatingin pa rin sa machine. Pagkatapos ay bumalik na ito sa dating kinatatayuan.
Maya-maya lang ay may lumabas ng mga usok? Napakunot naman ako ng noo.
"Don't worry, fog lang ito. You know to add more spice in this fight." pagkatapos ay ngumisi ito.
Unti-unti ng napupuno ng amog ang loob ng training room.
Gagamit na kaya siya ng mahika? Hindi ko na siya makita.
"Kailangan ba talagang gawin ito?" tanong ko.
"Of course. Nalaman ko na gusto mong sumali sa Grand Arena. So you should expect something like this." sabi nito.
Sabagay may point siya.
"Naiintidihan ko."
"Ok let's start then." sabi nito.
Mukhang mahihirapan ako nito dahil puro amog nalang ang nakikita ng mata ko. Hindi ko din makita ang kilos niya.
Teka, bat parang lumalamig ata? O pakiramdam ko lang yun?
"Aah!" napahawak ako sa paa ko dahil tinaamaan niya ako. Nagsimula na nga pala ang laban kaya kailangan kong mag-focus. Tinignan ko naman ang paa ko ngunit wala naman itong dugo.
Ang weapon kasi na ginagamit dito sa training room ay mararamdaman mo lang ang sakit pero walang mangyayari sa katawan mo. Yun nga lang ang sakit ay kapareha ng mararamdaman mo kapag totoong laban na sa labas.
"Nagsisimula palang tayo. Gusto mo na bang sumuko?" naririnig ko ang boses nitong nag-eecho pa, pero hindi ko malaman kung saan nagmumula.
"Hinding hindi ako susuko." sagot ko naman.
Umayos naman ako ng tayo kahit na nahihirapan ako. Pero ramdam kong lumalamig na talaga. Hindi kaya kasali din ito sa ginawa niya dun sa machine kanina?
Kailangan kong mabasa ang mga galaw niya.
Nararamdaman kong may gumagalaw sa kaliwa ko kaya kaya napatingin ako. Tumalon ako papunta sa kaniya at pinaikot ang spear hawak ko sabay tira dito ngunit wala na ito doon. Ang bilis naman niyang makaalis.
"Slow." narinig kong bulong nito sa tenga ko.
Nasa likuran siya!
Mabilis akong nakalingon ngunit huli na dahil naramdman ko nalang na may tumusok na sa likod ko. Napangiwa ako sa sobrang sakit.
Ang bilis na ng paghinga. Unti-unti akong napapahiga sa sahig. Tinungkod ko naman ang spear na hawak ko upang hindi ako lubusang matumba.
Ang lamig na. Nanginginig na rin ang kamay ko at nakikita ko ang paghinga ko dahil may lumalabas na sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action