"Ma!" napabangon ako ng wala sa oras dahil napaginipan ko na naman si mama. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko at napatingin sa kisame.
Ma, kailan ba tayo magkikitang muli? Miss na miss na kita.
Tumingin ako sa orasan at pasado alas-dose na ng hating gabi. Tumayo ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig at nilagok ang laman nito pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto.
Naisipan ko munang lumabas sa balcony at magpahangin.
Napayakap ako sa sarili ng madampi ng balat ko ang lamig ng hangin. Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi at kakaunti lamang ang mga bituin na makikita sa kalangitan.
Naalala ko na naman yung mga ginawa namin kanina ng mga kaibigan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mabuti nalang at nakilala ko sila dahil kung wala sila ay malamang hindi ko na alam ang gagawin ko. Gagawin ko din ang lahat para protektahan sila sa abot ng aking makakaya.
Hindi nagtagal ay naisipan ko na rin bumalik sa loob. Habang naglalakad ako ay parang may narinig akong boses kung kaya't napalingon ako sa kagubatan.
Saan nanggaling yun?
Ngunit wala akong nakita o napansin na kahit ano. Baka imahinasyon ko lang siguro. Napa-iling na lang ako at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto.
.
.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising dahil ang alam ko ay 7:00 am magsisimula ang Award Ceremony na gaganapin sa field. Sa dating eskwelahan ko sa mundo ng mga mortal ay hindi ako mahilig na pumunta sa mga ganitong okasyon, ngayon lang talaga. Isa talaga ito sa pinagbago ko.
Napatingin ako sa bintana, may mga teacher at estudyante akong nakita na naglulumpungan sa may bandang gubat. Hindi naman doon gaganapin ang Ceremony ah?
Ano kayang meron?
Dahil sa curious ako ay lumabas na ako sa dorm at nagmadaling pumunta doon. Nilapitan ko ang ilang estudyante at nagsimulang magtanong ukol dito.
"Miss, bakit kayo nandito? Tsaka bakit ang daming tao?" tanong ko.
"H-hindi mo pa ba alam? N-namatay s-si Kaye." nanginginig na sabi ng babae.
Napatakip ako ng bibig ko sa narinig.
"H-hindi maari. Nakausap ko pa siya kahapon." hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Nagsisinungaling siya.
Yumuko lang ito kaya naman lumayo na ako sa kaniya at dahan-dahan lumapit dun sa harapan. Bawat pagtapak ko ay naririnig ko ang mga hagulgol ng nasa paligid ko.
Hanggang sa nakapunta na ako sa harap. May nakikita akong nakahiga doon sa stretcher at nakatakip ang buong katawan nito.
"Praily!"
May tumatawag sa pangalan ko ngunit ang atensyon ko ay nasa taong natatakpan ng puting tela.
"Pasensya ka na iha, pero hanggang dito ka nalang. Kami na ang bahala dito."
Napatingin ako sa taong pumigil sa akin na makalapit doon sa stretcher.
"Mr. Hoggs..baka naman pwede ko pong masilayan kahit konti lang.." mahinang usal ko habang nakatingin pa rin doon.
Umiling lang ito habang nakahawak sa balikat ko.
"Pero—"
"Kami nalang po ang bahala sa kaniya Sir." napatingin ako sa pinang galingan ng boses. Si Hanna pala kasama ang familiar nitong si Griffin.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasíaWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action