Friday.
Kasalukuyan akong nakikinig sa History Class ko ng may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan naman siya ni Mr. Hoggs.
"Magandang umaga Mr. Finn. Anong maitutulong ko sa iyo?" naka-ngiting bati sa kaniya nito.
Yumuko naman ito sa kaniya. "Sayo rin Mr. Hoggs. Nais ko lang sanang hiramin ang isa sa mga estudyante mo. " sabi nito at dumiretso na ng tayo.
"Sige lang, mukhang mahalaga ang iyong pakay. Sino sa mga estudyante ko?"
Alam ko na agad na ako ang tinutukoy nito. "Si Ms. Gomez." tukoy nito.
Bakit naman kaya?
Napatingin naman din sa akin si Mr. Hoggs at pagkatapos ay bumalik kay Mr. Finn ang tingin nito. "Siya pala, sige excuse na siya sa klase ko. Ms. Gomez, maari ka ng sumama kay Mr. Finn." baling nito sa akin.
Tumango naman ako at tumayo na sa upuan ko patungo sa harapan habang minamasdan ako ng mga kaklase ko. Malamang curious din sila kung bakit ako pinapatawag.
Nagpaalam na rin ako sa guro ko at lumabas na habang tahimik na nakasunod kay Mr. Finn.
"Uhm, bakit niyo po ba ako pinatawag? Tungkol po ba ito sa mama ko?" tanong ko dito. Nasa likod niya ako.
Tumigil naman ito sa saglit at humarap sa akin. "Ang Headmaster na ang bahalang magsabi sayo iha. Huwag kang mag-alala, hindi ito katulad ng iniisip mo." nakangiting sabi nito.
Nginitian ko naman ito ng tipid. "Sige po." sabi ko naman at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
.
.
Nakangiti naman ang headmaster pagkapasok ko sa loob ng office niya. Binati ako nito at ganun din ang ginawa ko.
"May nakapag-report sa akin na humuhusay ka na sa iyong pag-eensayo Ms. Gomez." bungad nito.
Napakagat naman ako sa labi ko. Hindi naman siguro nila nalaman ang tungkol sa kontrata namin ni Cyrus no? Sana hindi.
"Magaling lang pong magturo sa akin ang ka-partner ko sa training class."
Tumango naman ito sa akin. "Si Cyrus tama?" tanong nito.
"Opo." tipid kong sagot. Yumuko lang ako dahil hindi ako makatingin ng diresto sa kaniya. Dahil pakiramdam ko ay mababasa niya kung ano ang nasa isipan ko.
"Bueno, may gaganaping Grand Arena para sa mga Superior at Excemption sa susunod na buwan. Nabalitaan kong gusto mong sumali, totoo ba yun?"
Napatingin naman ako sa kaniya. Nakasandal ito sa swivel chair at nakahalukipkip habang mataman niya akong pinagmamasdan.
"Narinig ko nga po yun at tama kayo gusto ko sanang makasali." sagot ko.
Tumango naman ito sa akin. "Alam kong desidido ka na sa gusto mo. Pero pinahahalahanan lang kita na hindi biro ang mga makakalaban mo at mas matagal na sila dito sa Hestia kaysa sayo." Pinatong nito ang kamay sa mesa.
Ayaw ba niya akong sumali?
"Alam ko po nais ninyong iparating at alam kong bago lang ako dito pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Kung kinakailangan mag-ensayo ako ng mag-ensayo ay gagawin ko. Kung ano man ang kalabasan nito ay maluwag kong tatanggapin." mahaba kong salaysay.
Nginitian naman ako nito. "Very well. Kung yan ang kagustuhan mo ay hindi na ako sasalungat pa." naka-hinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. Akala ko ay hindi ito papayag.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasiWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action