"Next week friday ay magkakaroon tayo ng school festival. Ang araw na tinatag ang academy na ito. So i will need three volunteers in this class para sumali sa meeting ng mga officers." sabi ni ms. Sanlee.
Meron din palang mga festival dito.
"So mam ibig sabihin may makakasama kaming members ng Superior at Excemptions?" tanong ng kaklase kong si Sandy.
Nagsimula namang magbulungan sa klase at halatang excited sila sa darating na festival.
"Tama katulad ng nakaraang taon. Kaya ngayon pa lang ay kailangan na nating malaman kung sino ang pwedeng volunteer para dito sa klase."
"I volunteer!" sagot ng isa sa mga kaklase ko at tinaas pa yung tatlong daliri niya.
"Hunger games ang peg mo Gelo?" tanong ni Abby na ngayon at tumatawa.
Hindi ko din mapigilan matawa dahil napanuod ko yun nung nasa mundo pa ako ng mga mortal.
Nagppeace sign naman ito.
"Kayo talagang mga estudyante ko puro patawa." umiiling na sabi ni Ms. Sanlee pero nakangiti naman ito. "Back to the topic, sino ang gustong mag-volunteer?"
"Ako po!"
"Ako din!"
Ang ingay na sa klase dahil halos lahat ay gustong mag-volunteer. Nakita kong pati sina Sophy at Abby at nagtaas na rin ng kamay. Tahimik lang akong nakikinig at nakatingin sa klase.
Ano bang meron sa festival?
"Praily ayaw mo bang mag-volunteer?" baling sa akin ni Sophy habang nakataas pa rin ang kanang- kamay nito.
Umiling naman ako sa kaniya. " Hindi kasi ako mahilig masyado sa ganyan."
"Sayang naman. Gusto ko sana dalawa tayo!"
"Mukhang madaming gustong mag-volunteer ah. Ganito na lang, bubunot na lang ako ng tatlong pangalan dito sa jar. Kung sino man ang tawagin ko ay pumunta dito sa harap. Ok class?" sabi ni Ms. Sanlee habang hinuhulog yung mga malilit na papel sa jar.
"Ok Maam!" sabay-sabay na sabi namin sa klase.
Nagsimula namang alugin ni Ms. Sanlee ang jar at kumuha ng tatlong papel.
"Heto na."
"Sana matawag ako." sabi pa ni Sophy. Nag cross finger pa siya.
"Ipag-pray kita. Fore sure matatawag ka." sabi ko naman sa kaniya ng nakangiti.
"Dylan Mufflin." nagsimula ng magtawag ang teacher namin.
"Wow! Ako yun!" sigaw nito sa klase at pumunta na sa harap.
"Jasmine Burdett."
"Uyyy swerte mo Jas!" kinikilig na sabi ng mga katabi niya.
"Lastly, Praily Gomez."
Tumingin naman sa akin ang mga kaklase ko.
Teka bakit kasali ako?
Nag-aalangan naman akong tumayo."Ms. Sanlee pwede bang iba nalang?" tanong ko.
Umiling naman ito. "Hindi pwedeng tumanggi Ms. Gomez. Naiintdihan ko na bago ka pa lang dito pero nasisiguro ko na mag-eenjoy ka dito." nakangiti nitong sabi.
Tumango naman ako sa kaniya. Tinignan ko si Sophy.
"Sorry." bulong ko.
"Ano ka ba ok lang no! Tsaka marami pang next time! Masaya ako para sayo." sumenyas pa siya na pumunta na ako sa harap.
BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action