19. Familiar

8.1K 341 27
                                        

"Let's begin." seryosong sambit nito. Tumango naman ako sa kaniya.

Inihiga niya ako sa kaliwang braso niya pagkatapos ay kinuha yung espada niya na nasa lupa. Nakamasid lang ako sa kaniya.

Ano kayang ritual ang gagawin namin?

Nagulat ako ng sinugatan niya ang kanang palad niya gamit ang espada nito. Sinimsimsim nito ang sariling dugo at nang matapos na ito ay nawala na parang bula ang sugat nito.

Tumingin naman siya sa akin at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Para akong kinakabahan na ewan at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ano bang balak niyang gawin?

"A-ano teka, anong gagawin mo?" nauutal kong tanong. Ngunit hindi niya pinansin ang tanong ko. Bagkus ay pinagpatuloy lang nito ang ginagawa. Hindi na ako nakaiwas ng magdampi ang aming mga labi.

Nanlaki ang mata ko sa nangyari.

Hinalikan niya ako?


Hindi. Hindi niya ako hinahalikan. Nararamdaman kong unti-unti niyang pinapasok sa bibig ko ang dugo mula sa kaniyang bibig. Tinanggap ko naman ito at nilunok ang lahat ng nito.

May nararamdaman akong kakaiba. Napapikit naman ako dahil hindi ko ito mapahiwatig. Parang meron gustong lumabas sa aking sistema.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay napansin kong pareho kaming lumulutang. Umiilaw ang kaniyang kanang kamay samantalang yung akin naman ay sa dibdib.

Magkaharapan kaming dalawa at nakakatitig sa isa't-isa. Nawala na rin yung mga sugat ko sa katawan. Pagtapos ay dahan-dahan kaming nababa sa lupa.

Nawala na rin yung ilaw kanina. Tinignan ko ang bandang dibdib ko at may nakalagay doon na parang tattoo? Maliit lang ito at may nakaguhit na letrang "S".

Napatingin naman ako sa kaniya at pinagmamasdan niya rin yung palad niya na may nakalagay naman na letrang "F".

"Ahm, ano ang ibig sabihin ng mga tattoo na lumabas sa atin?" tanong ko sa kaniya.

"These are not tattoos, they are runes." paliwanag nito. Tumango naman ako sa kaniya. "And It means i'm officially your Familiar and it's my duty to protect you as long as i can. Even if it means death." sabi nito at tumitig sa akin.

Napalunok naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam pero parang may nag-iba sa akin, sa amin. Parang nararamdaman kong connected na kami sa isat-isa. Alam kong pati siya ay ganun din.

Kung dati pure coldness ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngayon naman ay nababasa ko na ang mga iyon. Malumanay sa siyang tumitingin sa akin ngayon. Ganito ba talaga kapag nagkaroon ng Familiar? Ito na ba ang tinatawag nilang special bond?

"Hindi ako papayag." pagtutol ko sa sinabi niya. Napakunot naman ito ng noo sa sinabi ko. "Hindi ako papayag na mamamatay ka ng dahil sa akin. I will also protect you." nakipagtitigan ako sa kaniya. Kung dati ay hindi ko kayang gawin yun, ngayon naman ay nakakaya ko na.

Tumango naman siya sa akin. Naglakad naman ito papunta sa kaliwa ko. Nakaharap siya sa puno kaya naman kalahating mukha lang niya ang nakikita ko. "Alam kong sasabihin mo yan at hindi na rin ako kokontra. I already know how stubborn you are." nakita ko naman na napakagat siya sa labi niya na parang nagpipigil na ngumiti?

Hindi ko alam pero napangiti na rin ako sa tinuran niya. Ayoko ng banggitin pa sa kaniya ang tungkol doon dahil baka masira ang atmosphere at sumeryoso na naman ito.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon