Nakangisi ngayon ang lalaking nasa harapan ko. Pagka-start ng laban ay nakatayo lang ito at nakatingin sa akin.
Ano kayang binabalak niya?
Nilabas ko na rin ang spear ko gamit ang capsule. Naglalakad ako ngayon sa gilid niya at nakasunod lang ito ng tingin sa akin.
Hindi kaya inoobserbahan niya muna ang kilos ko?
Sumugod ako sa gawi niya at umatake ngunit tumalon siya at iniwasan lang ito. Dumistansya muna ako sa kaniya.
"Alam ko kung ano ang mahikang taglay mo." sabi nito. Hindi nalang ako nagsalita. "Matagal ko ng pinagmamasdan ang lahat ng mga Superior sa training room." dagdag pa nito.
So in-obserbahan pala niya kami kapag nag-eensayo.
"Kalasag ang mahika mo tama? Wala yang magagawa sa sa akin." sabi nito na lalong lumaki ang ngisi nito.
"Hindi lang naman sa mahika nananalo ang isang tao." sabi ko nalang.
Ngayon siya naman ang sumugod sa aking direksyon, gamit ang hawak nitong maliit na dagger. Maingat ko namang nailagan ang bawat atake niya.
Lumayo siya sa akin at tumawa ng tumawa.
Napakunot naman ako ng noo sa ginagawa niya. Ano bang nkakatawa? Nag-ingay naman ang mga audience kaya napatingin ako sa kanila. Hindi ko na napansin ang mabilis na pag atake niya dahilan upang tamaan ako ng dagger nito sa pisngi. Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa palad ko na may bahid na ng dugo.
Nagulat nalang ako ng unti-unti natutunaw ang damit ko balikat papunta sa itaas na bahagi ng dibdib ko. Buti nalang at hindi umabot sa ibaba kundi ay talagang mahuhubaran na ako.
Bakit hindi ko man lang napansin? Kaya pala kung ang ingay ng mga tao kanina.
"Pervert." sabi ko sa kaniya.
"Damihan pa natin." sabi nito at tumalon na naman ito at hinagis yung dagger na hawak papunta sa akin naiwasan ko naman ito ngunit kinuha niya ang oras na yun para pumunta sa kanan ko kung saan ako tumalon at nakita ko kung paano nito durain ang hita ko. Umatake naman ako sa kaniya ngunit agad itong lumayo.
Nakaramdam ako ng init sa hita ko kung saan siya dumura kaya napatingin ako dito. Natutunaw yung suot kong black leggings sa kaliwa at kitang kita na yung hita ko. Namumula ito marahil sa liquid substance na inilabas nito mula sa kaniyang bibig.
Isang asido? Kung hindi ako nagkakamali ay yan ang mahikang taglay niya.
Ginagamit niya nalang dagger para doon ko ituon ang pansin ko habang kumukuha siya ng tyempo na atakihin ako sa mahika nito.
Kailangan ko lang iwasan na malapitan niya. Hindi ko alam kung sa laway lang ba niya nang-gagaling ang aasido o may iba pang paraan.
Ako naman ngayon ang sumugod sa kaniya at mabilis na iwinasiwas ko ang spear na hawak ko. Tinitignan ko ang bawat pag-galaw niya habang iniiwasan ang anumang paglapit niya sa akin. Nang lumayo ito sa akin ay mabilis ko siyang hinabol at ginamit ang kalasag ko. Tinamaan ko siya sa kaliwang kamay kung saan niya hawak ang dagger kaya nabitawan niya ito. Dumugo ang parte na tinamaan ko. Napahawak siya sa kamay nito at matalim na tumitig sa akin.
"Humanda ka sa akin!" sigaw nito.
Pinakiramdaman ko ang gagawing galaw niya. Hindi na nito pinulot pa yung dagger na hawak kanina bagkus at umatake ito na walang sandata na dala. Marahil ay balak nitong gamitin nalang ang mahika para labanan ako.
Akala ko ay susugod na ito instead ay nag-unat pa ito. Parang hindi nito alintana ang sugat sa kamay. Nang tumalon ito papunta sa akin ay mabilis kong nilagay ang kalasag ko ngunit nagulat ako ng hinawakan nito ang kalasag at hindi binibitawan. Pinagmamasdan ko ang ginagawa niya, unti-unting nawawala ang kasalag ko.

BINABASA MO ANG
Hestia Academy
FantasyWelcome to Hestia Academy, a place where magic happens. Curious about the story? Read it. Genre: Fantasy, Action