28. Second

7.4K 279 24
                                        

Nandito na ulit ako ngayon sa Hestia Coliseum kasama ang iba pang nanalo nung Preliminary Round. Nakatayo kami ulit sa gilid ng stage at katulad ng dati ay punong-puno na naman ng mga tao sa loob, hindi exactly tao dahil may mga kapangyarihan dito.

Nakita ko naman sila Daniella at Crizza na nag-uusap sa dulo. Mabuti nalang at pati sila ay nakapasok rin. Binati nila ako kaninang pagdating ko. Pinadalhan din ako ng sa dorm ng bagong kasuotan dahil nga nasira na yung damit ko nung unang laban ko. Ganoon pa rin naman ang itsura nito.

Nagsimula na ring magsalita ang host at nagsabi ng kung anu-ano pa hanggang sa pinakita na sa malaking screen ang aming mga makakalaban.


15 vs. 25


Ako ang unang lalaban.

Nilinga ko ang paningin ko at nakita ko na ang makakalaban ko. Natatandaan ko siya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung babaeng napagtanungan ko noon pagkapasok ko sa Coliseum—- yung may maliit na buhok na nakasalamin.

Tumingin din siya sa gawi ko at nginitian ako ng tipid. Marahil pati siya ay nakilala ako. Kaya naman nginitian ko rin siya pabalik pagkatapos ay binalik na nito ang tingin sa stage.

Napatingin naman ako sa gawi nina Dani dahil silang dalawa ni Crizza pala ang maglalaban. Mukhang ayos lang naman sila, marahil ay alam nilang hindi maiiwasan na mangyari iyon.

Pagkatawag sa numero namin ay pumunta na agad ako sa stage. Naghiyawan naman ang mga manunuod, kahit papaano ay nasasanay na rin ako sa kanila. Hindi katulad nung unang laban ko ay medyo kinabahan pa ako dahil hindi ako masyadong sanay na maraming tao.

Nasa gitna namin ang host ng magsalita na ito.

"Begin!"

Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa ni 25. Pinakikiramdaman namin ang gagawin ng bawat isa. Sa tingin ko ay mas mahusay ito kumpara sa lalaking nakalaban ko.

Hindi naglaon ay naglabas na ito ng weapon, at katulad ko ay spear din ang gamit niya.

Sabay naming inaatake ang isa't-isa. Nagkiskisan ang mga spear na aming hawak. Ang bilis niyang kumilos, mahahalata mong sanay na sanay na siya sa pag gamit nito. Kung wala siguro akong Familiar ay mas lamang ito sa bilis sa akin. Halos magkapareho kami ng istilo ng pag gamit.

Patuloy lang kami sa pagtira ngunit wala ni isang natatamaan hanggang sa lumayo ito sa akin. Nahulog ang salamin nito sa sahig.

Binalikan nito ang salamin habang mataman lang akong nakamasid sa kaniya.

Yumuko ito habang pinupulot at biglang nagsalita. "Bakit hindi mo pa ako atakihin? May chance ka na habang kinukuha ko ito."

Nakatungo ito at inaayos ang salamin na hawak. Pagkatapos ay sinuot ulit.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi ako ganoon. Gusto kong manalo sa malinis na paraan." sagot ko.

"Hindi. Mali ka." sabi lang nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ginawa mo na dapat ang nararapat nung may pagkakataon ka." sabi nito. Pagkatapos ay sumugod na ulit siya sa akin.

Katulad kanina ay pareho naming naiiwasan ang bawat atake hanggang sa mahulog na naman ang salamin nito. Tumigil ulit siya sa at tinignan ang salamin. Basag na ito ng konti. Mukhang hindi na rin niya magagamit. Pero may nakita akong kataka-taka dito.

"Bakit ka pa nagsusuot ng salamin?" tanong ko.

Napansin ko kasing wala naman itong grado.

Hestia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon