Chapter 34

36.7K 1.3K 1.5K
                                    


Bigay na bigay si Cassandra sa pagkuskos ng tiles ng banyo. Tagaktak na ang pawis niya hanggang sa makahalata siyang parang nawawala ang kasama niyang nakaduty sa paglilinis.  Kinatok niya ang bawat cubicles.

"Cadette Funtanar!" tawag niya pero walang sumasagot sa kanya. "Asan na ba yun?" sambit niya sa sarili. 

Kanina pa siya nagtataka  sa ikinikilos noon. Parang matamlay at tipid kung makipag-usap sa kanya. Lumabas siya nang banyo at hinanap ang kasama. Nakita niya itong nakaupo sa ilalim ng puno at nakatungo. May hawak itong mallit na sanga ng kahoy at nagsusulat sa buhangin. Maingat niya etong nilapitan nang hindi gumagawa ng ingay. Palihim niyang binasa ang sinusulat nito sa lupa.

"Oliver," basa niya.

Sa halip na magulat ay nag-angat lang nang mukha si Zeline upang tingnan siya. Bibiruin niya sana at yayaain nang bumalik sa paglilinis pero nabakas niya sa mga mata nito na totoong lungkot ang nararamdaman nito. Tumingin siya sa paligid upang masiguradong walang upper class na makakakita sa kanila saka siya gumaya ng pag-upo sa tabi nito.

"Cadette Funtanar do you have a problem?" malumanay niyang tanong.

"I miss my brother," anas nito.

"Ah is Oliver your brother?"

"Yes. He's my Kuya."

"Don't worry. Ilang buwan na lang makakauwi na rin tayo, magkikita na rin kayo. O di kaya pag nakapag Recognition Rites na tayo, pwede ka na niyang dalawin dahil sabi nila pagkatapos daw ng rites na yan pwede na tayong tumanggap ng dalaw once a week."

Parang mas nalungkot ang kanyang kausap sa sinabi niya. Nangilid ang luha nito. "I won't see him again because he's already dead. And today is his death anniversary. Siya lang ang kaisa-isa kong kapatid kaya nung nawala siya I had no choice but to be strong so I could take care of myself."

Napaawang ang bibig ni Cassandra. Biglang siyang nagsisi sa mga sinabi. Hindi niya malaman kung paano iyon babawiin.

"P-Pasensiya ka na sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang pabigatin pa lalo ang loob mo."

"It's okay. I'm sorry din kung medyo sentimental ako ngayon. I've been holding this the whole time na nagkaklase tayo kanina. Ngayon lang ako nakakita ng pagkakataon."

Marahan niyang tinapik ang likod ng malungkot na kasamahan. "I understand. Do you want to cry? You can cry if you want to. Magbabantay ako sa paligid para siguraduhing walang makakakita sayo."

Mapaklang tumawa si Zeline. "I don't know how to cry anymore. Simula nang mamatay si Kuya hindi na ulit ako umiyak. I made a promise to him that I'll be strong no matter what happens."

"When did he pass away?" maingat na tanong ni Cassandra.

"Two years ago. He's a PNPA graduate too. He died in a buy-bust operation on his first year in service as police officer."

"I-I'm sorry to hear that. Siya ba ang dahilan kung bakit naisipan mo ring magpulis?"

Umiling si Zeline habang paulit-ulit na sinusulat sa lupa ang pangalan ng kapatid. "It's my grandfather who wanted me to be here. But my brother is the reason why I'm not giving up. I want him to be proud of me whatever I do."

Nagulat si Cassandra sa nalaman. "Ibig mong sabihin hindi mo talaga kagustuhan na pumasok dito sa academy?"

"Ang lolo ko lang ang may gusto na magpulis ako. Actually I was already enrolled in other university and ready to take up a fashion design and management course but when my brother died, pinahinto ako ni lolo sa pag-aaral. He trained me for a year bilang paghahanda sa pagpasok ko dito. Hindi ito ang pangarap ko pero wala na akong choice kasi hindi ko naman kayang suwayin si Lolo. Kaya yung kuya ko na lang ang ginagawa kong inspirasyon para hindi maging miserable ang buhay ko dito."

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon