Kung nasa ordinaryong lugar lang si Cassandra ay kanina pa siya tumakbo patungo kay Harry. Yumakap at walang hiya-hiyang nagpakarga nang nakapalupot pa ang mga paa sa beywang nito. Marahil ay nakasubsob pa ang mukha niya sa leeg ng lalaki... Pero ngayon ay sa isipan niya na lang pwedeng gawin yun. Iba na ang sitwasyon niya. Nasa lugar at posisyon siya kung saan wala pa siyang karapatang ipakita sa kahit kanino man ang tunay na nilalaman ng kanyang kalooban.Tinakpan niya ng kamay ang nakangiting bibig at saka iyon itinikom. Si Harry na ang kusang lumapit sa kanya.
"Congratulations!" May ngiting ibinigay nito ang hawak na rosas.
"Salamat," kiming sagot niya. Mabilis na tinanggap niya ang bulaklak bago pa may makakitang iba. Hindi niya matandaan kung pati yun ay bawal din basta pasimpleng tatakpan niya na lang iyon ng katawan pag may kadeteng makita. "Kanina pa kita hinihintay. Akala ko di ka na darating," mahinang sabi niya.
Marahang sinuntok siya ng lalaki sa braso. "Sa palagay mo matitiis kita."
"Malay ko ba," walang emosyong sabi niya pero gustung-gusto niya na itong ngusuan at suntukin din sa braso. Yung matitiyak niyang magkakapasa bilang kabayaran sa pagpapapakaba at pagpapahintay nito sa kanya.
Tumitig sa mukha niya ang kaibigan. Gaya ni Gavin, inaasahan niyang lalaitin at aasarin siya nito. "I know I look ugly," kusang sabi niya na.
"I didn't say anything," kibit-balikat nito.
"Sinabi ko na para di ka mahirapan."
"Nasaan sina Tita at Chairman?" linga nito sa paligid.
"Andun sa silid na yun." Aayain niya na sana pumunta doon si Harry pero bigla niyang naalala ang training officer. Baka andun pa yun. Maiilang pa rin siya at baka di pa niya makausap nang mabuti ang matalik na kaibigan. "Halika dun na lang muna tayo sa upuan na yun," turo niya sa isang kahoy na park bench. "Busy pa rin naman sina mommy't daddy at may mga kinakausap pa sila."
Sumunod si Harry. Nauna sa kanya sa paglalakad ang dalaga. Nahalata niya na agad na dapat ay may distansiya ito sa kanya. Bawal ding mahawakan ang kamay dahil pagtagpo pa lang nila ay nasa likuran na ang mga kamay nito. Hindi rin pwedeng yumakap dahil kung hindi iyon bawal ay imposibleng hindi siya yayakapin ng kaibigan. Batid niya na agad na may limitasyon ang galaw ng dalaga sa pakikipagharap sa mga bisita kaya naman hindi na siya mag-eexpect na ang masayahing personalidad nito ang makikita.
Pag-upo nila sa bench, umisod kaagad papalayo si Cass. Magkatabi sila nang halos may dalawang ruler na pagitan. Nilapag nito ang rosas sa tabi, dikit na dikit sa mga hita na di na gaanong nahahalata ang bulaklak dahil halos humahalo na ang kulay sa unipormeng maroon. Nag-alala tuloy siya na baka pati pagtanggap ng bulaklak ay bawal. Mabuti na lang pala ay kumuha na lamang siya ng isang pirasong rosas sa dapat sana ay isang bungkos na ibibigay niya. Napagtanto niyang masyadong agaw-atensiyon ang malaking bouquet kaya iniwan niya na lang iyon sa trunk ng sasakyan.
"Bakit ka na-late? Sayang di mo napanood yung ceremony." Di niya na muling nasilayan ang ngiti ng kaibigan. Nakatingin na lang lagi sa ibaba. Parang kabaliktaran ng inaasahan niyang personalidad ang nakikita. Di ba dapat ay naging matapang at agresibo ito ngunit tila bakit nagkaroon pa ata ito ng inferiority complex?
Kumamot siya sa ulo. "Tinanghali ako ng gising. Nakalimutan ko i-set ang alarm clock."
Nag-angat ng mukha ang kausap. Nasa gilid ang bilog ng mga matang sinamaan siya ng tingin. "I can see that I'm not that important anymore," malumanay pa ring sabi nito kahit batid niyang nagtatampo.
Bahagyang natawa siya. "I still made it though. Para namang hindi normal sa atin na may nali-late kapag nagkikita tayo."
Nagbaba ulit ng tingin ang dalaga. Unti-unti naman siyang nagseryoso nang hindi inaalis ang mga mata sa mukha nito. Ang totoo ay kanina pa siya nasa academy. Nasimulan at natapos niya ang seremonya nang tahimik na nanonood mag-isa mula sa malayo. Ilang oras niyang pinag-isipan kung magpapakita ba o hindi. Ang balak niya sana ay ipaabot na lang ang bungkos ng mga bulaklak na dala niya.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1