Ganadong-ganado mag-almusal si Melchor. Nakataas pa ang isang paa sa upuan. Samantala si Cassandra ay pabalik-balik patungong banyo sa pag-iigib ng tubig. Si Brandy ay abala sa sopa sa pag-aasikaso ng dalawang anak na papasok ng eskwela.
" Cassie ano na? May natanggap ka na bang notice of examination galing sa PNPA registrar?" usisa ni Melchor.
" Wala pa ho," walang ganang sagot ng dalaga.
" Naku baka nakutuban na nilang di ka qualified."
"At bakit naman hindi siya qualified?!" mataas ang boses na sabat ni Brandy.
" Aba't hanggang ngayon ay hirap pa ring maka bente singko na push ups!"
"Kaya niya yan! Matagal-tagal pa naman ang exam! Ikaw namang tao ka ba't ba lagi mo na lang pinapahina ang loob ng batang yan?!"
" Ako pa ang nagpapahina ng loob niyan? Eh ako nga etong nagtitiyaga sa pagti-train diyan. Tsaka ba't ba bigla-bigla nabaliktad ata ang mundo, dati ayaw na ayaw mong magpulis yan. Ngayon ikaw na tong nagtutulak lagi sa kanya?"
"Dati yun. Pero nakita mo naman ang mga tiniis na hirap ni Cassandra para sa pangarap niya na yan tapos mapupunta lang sa wala. Nakakadurog ng puso yun!"
Napapailing na lamang si Cassandra. Nagtatalo na naman ang mag-asawa nang dahil sa kanya. Laging nauuwi sa diskusyon kapag ang pagpupulis niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Tahimik siyang lumabas upang magsalok ulit ng tubig.
"Bye Ate Cass!" paalam sa kanya ng dalawang bata na hindi na ata namalayan ng nanay ang pag-alis dahil sa pakikipagdiskusyon sa asawa.
" Bye! Ingat kayo! Yung baon niyo dala niyo na ba?"
"Opo."
"Yung tubig, juice, meron na?"
"Meron na po."
"Barya, pamasahe? Meron na?"
"Meron na rin po."
" O sige alis na kayo baka malate kayo. Ingat kayo."
Nang mapuno ang balde ay muli niya itong binuhat papasok ng bahay.
"O nasan na sina Carson?" saka lamang namalayan ni Brandy na nawawala na ang mga anak.
"Nakaalis na po. Sinundo na ng trycicle," kaswal na sagot ni Cassandra sabay napatid siya at natapon ang halos kalahating lamang tubig ng timba.
"Ay ano ka bang bata ka!" dali-daling lapit sa kanya ng ginang. Tiningnan nito ang kanyang mukha. "Alam mo ilang araw ka nang nanamlay. May sakit ka ba ha?"
"Okay lang po ako. Na out of balance lang," sagot niya nang may tipid na ngiti.
"Mabuti pa itigil mo na muna yan. Magpahinga ka na," ani Brandy.
"Hindi pwede! Hindi pa tapos ang oras ng training niya!" tutol ni Melchor.
"Eh nakita mo nang masama ang pakiramdam ng tao," katwiran ng misis.
" Yan ang hirap sayo gusto mong matupad yung pangarap nung bata pero kinukunsinti mo naman ang mga kahinaan niya! Ano ba talaga? Naguguluhan na ako sayo ha! Pasalamat ka masarap tong niluto mong almusal!"
Di nakaimik si Brandy at naawang tiningnan na lamang ang dalaga habang pinupunasan nito ng maruming basahan ang parte ng sahig na natapunan ng tubig.
" Okay lang ako Tita. Don't worry. Wala po talaga akong sakit."
"Kitam mo na. Inispoiled mo yan masyado!" Tuloy-tuloy lamang si Melchor sa maganang pagsubo. "Mabalik tayo sa application mo sa exam Cassie, sa internet ka lang ba nag-apply?"
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1