Chapter 32

35.9K 1.3K 1K
                                    


Tumayo si Harry para kumuha pa ng tig-isang beer nila ni Dominic. Akmang paglapag niya ng bote sa mesa ay siyang pagpasok sa kanilang gate ng dalawang magkasunod na sasakyan. Dumiretso ang mga iyon sa garahe kung saan tumabi ang kotse ng tatay niya sa jeep wrangler ni Dominic at sa likod naman ng kotse ng ama pumarada ang kasunod nitong sasakyan.

"My Dad has arrived," ika niya nang hindi alam kung kanino ang kasunod nitong kotse. Bumaba sa sasakyan ang ama. Kinawayan niya iyon at kalmadong itong lumapit sa kanila.

Sumigla agad ang mukha ni Dominic habang nakatingin sa papalapit na opisya. "Good evening Col. Corpuz." Nagbigay siya ng isang mabilisang saludo.

"Good evening. May bisita ka pala Harry," malugod na wika ni James na medyo nagtataka kung bakit saludo ang paraan ng pagbati sa kanya ng bisita ng anak.

Nagbukas ang pintuan ng bahay. Lumabas si Chloe bitbit ang plato ng mga hiniwang prutas ngunit tila nakakita ito ng multo pagkakita sa ama. Napapalunok na umatras ang dalaga. "Manang! Sabi ko naman sayo ikaw na lang ang maghatid nito eh!" kunway galit na sigaw nito sabay pasok ulit nang mabilis sa loob ng bahay.

Lumapit din sa kubo ang isang mama na bumaba naman galing sa isa pang kotse. Nakadamit sibilyan pero may dating din ng pagiging pulis. Nasa humigit kumulang kwarenta ang edad. Matikas ang pangangatawan at may mukhang kaya pang makipagsabayan ng pagandahang lalaki sa mga binata.

"Dad kaibigan ko si Dominic. Dominic, daddy ko," pakilala ni Harry.

Umaliwalas ang mukha ni James nang masilayang maigi ang mukha ng bisita. "Teka kilala kita ah! Ikaw yung imported na training officer ng PNPA. Kaya naman pala saludo ang pagbati mo sa akin. Akalain mo nga namang magkaibigan pala kayo nitong anak ko. Dinig ko ay napakahusay mong magturo. Mabuti naman at nagkakilala tayo ng personal." 

Nahihiyang ngumiti si Dominic. "Sir ang totoo ay dati na ho tayong magkakilala."

"Anong ibig mong sabihin?" taka ni James.

"Ako ho yung dating schoolmate sa elementary ni Cassandra Monteverde na muntik nang makidnap noon."

"Talaga? Ikaw na ang batang yun!" gulat at di makapaniwalang bulalas ng kasama ng koronel.

"Totoo ikaw na yun?" gulat ding sambit ni James. "Tingnan mo nga naman. Sinong mag-aakalang magiging alagad ka rin ng batas." Napatingin ang koronel sa kasama. "Ah siya nga pala si Major Brandon Aldovar." Pagkatapos ay kay Dominic naman siya tumingin. "Does his name rings a bell to you?" ngiti niya sa binata.

Di makaimik si Dominic. Mukhang pamilyar din ang mukha ng major pero di niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Siya ang may hawak ng kidnapping case mo noon," kusang wika na ng koronel.

Nanlaki ang mga mata ni Dominic. Dali- dali siyang tumuwid ng tayo at sumaludo. "Good evening sir!"

"Good evening," ngingiti-ngiting tugon ng major.

Hindi nakuntento si Dominic. Nakipagkamay pa siya sa opisyal. "Nice to meet you again sir." Hiyang-hiya siya sa sarili. Paano niya nagawang kalimutan ang taong nakabaril sa kidnapper niya.

"I'm glad to see you too and I'm happy to know that you've grown up to be a great young man."

Malugod na nakipagkamay din si Harry sa bisita ng ama. "I'm Harry sir."

"Binatang-binata ka na rin. The last time I saw you ganito ka pa lang kaliit," wika ng major na isinusukat pa ng kamay yung dating tangkad ng panganay ng koronel.

"Magpapakita lang muna ako sa misis ko. Iwanan ko muna kayo sandali," ani James.

"Upo po muna kayo Major Aldovar," mabilis na alok ni Dominic sa pwesto niya sabay lipat ng ibang pwesto.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon