Chapter 6

68.3K 2.5K 328
                                    


"Akala ko di ka na darating," walang ganang wika ni Cassandra pagkasakay sa kotse ng kaibigan. Nagsuot siya ng seat belt habang blangko ang mukhang nakatingin sa labas ng bintana.

"Sorry I thought you'd be spending longer time in the shooting range. Kanina ka pa ba naghihintay?"

"Mga isang oras na balak ko na nga sanang mag-taxi eh."

"Dapat tinawagan mo ako nung natapos ka na."

"I did but your phone was consistently busy." Bumuntong-hininga nang malalim ang dalaga nang tila nakatingin lamang sa kawalan.

"Ah... Kausap ko kasi ang Daddy mo."

"I thought it's your off today," malumanay na sambit nito.

"May mga tinanong lang siya tungkol sa project na naka-assign sa akin. Of course I couldn't say no," masigla at tatawa-tawang tugon ni Harry.

"Did he ask about me?"

Napatikhim ang binata at ilang sandaling di nakaimik.

"Of course he didn't. What should I expect?" kusang sagot ng dalaga.

"Shall we go now?" nakangiting tanong ni Harry. Umiwas siya sa usapang makakasira lamang sa halatang hindi na magandang mood ng babae. " Saan mo gustong pumunta? Do you want to eat somewhere delicious?" Pinaandar niya ang sasakyan.

"Hindi ako pwedeng kumain anytime and anywhere. I have a diet plan to follow."

"Ahhh... then how about a movie?"

"I'm not in the mood. Ihatid mo na lang ako sa bahay. I want to rest. Kailangan kong mag-ipon ng lakas dahil maggi-gym pa ako mamayang gabi,"

Binagalan ni Harry ang takbo. "Tell me honestly. Galit ka ba sa akin dahil pinaghintay kita nang matagal?" diretso niya ng tanong.

Simpleng tumaas lamang ang isang sulok ng bibig ni Cassandra. Hindi niya nahalatang may halo nang pag-aalala ang tono ng kasama. Lumilipad lamang ang utak niya dahil hindi pa rin maalis dito ang nasaksihang galing ng binatang nakasabay sa shooting range.

"No, " simpleng sagot niya.

"Kung ganun ba't matamlay ka?"

Huminga siya nang malalim at malungkot na tumingin sa kaibigan. "I just met a guy."

Biglang itinabi ni Harry ang kotse. " Ano? Lalaki?! Anong ginawa sayo?  Did he attack you or say something bad against you?"

Umiling ang babae. "He's very cool and on top of that, he's also very skilled."

Nagtagpo ang mga kilay ng binata at pagkuway ngumisi. "So I'm the one who has to endure your cheerlessness because of another man? Who the hell is that person?!" 

"I have no idea," iling ng dalaga.

"What?!"

"Why are you raising your voice?" taka ni Cassandra.

"Sapagkat ngayon ka lang nagkaganyan dahil sa lalaki and the worst part of it hindi mo pa kilala! Are you suffering from a love at firs sight syndrome?"

Nabuhay ang tatamlay-tamlay na dugo ni Cassandra. Di malaman kung mapipikon o matatawa sa nakakalitong reaksiyon ng kaibigan. "Hey! Who's in love with who?! Kung makaconclude ka daig mo pa ang tatay ko ah!"

"Sa bibig mo na mismo nanggaling na cool at magaling ang lalaking yun. It only means that you're interested in him kung kaya't hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin siya!"

"I'm not interested to that stranger!" Nagtaas na rin ng boses ang babae. "I'm being like this right now dahil kinakain ang buong sistema ko ng insecurity!" Dahan-dahang sumungaw ang lungkot sa kanyang mga mata."I met a person in the shooting range who's almost same age with me. He was so skilled na pakiramdam ko ay sobrang nanlilit ako. He could even hit a target with his eyes closed samantalang ako dilat na dilat na ay ni hindi pa rin makapdaplis! At my age, I'm still having my first step samantalang yung iba milya-milya na ang kayang gawin! I gradually realized that maybe my dream is too huge compare to what I can really do! Lahat ng kumpiyansa ko sa sarili ay isa-isang nawawala. Now tell me are these the symptoms of being in love?"

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon