Chapter 36

18.2K 563 395
                                    




Panay saludo ni Cassandra sa mga nakakasalubong na upperclass at panay din sagot sa saludo ni Dominic sa mga saludo ng upperclass na sinasaluduhan ng dalaga.

"How did you get better at boxing?" puno ng pagtatakang tanong ni Dominic. Minsan lang siyang nagturo ng boxing lesson sa mga plebo. Sa nakita niya noong mga panahong yun at sa ipinamalas ni Cassandra sa sparring nila, napakalayo ng agwat ng performance niya.

"I think my body is starting to coordinate with my braincells. It  could execute now the movement I created in my mind. Hindi man ganun ka-eksakto pero ramdam ko na ang kumpiyansa ng katawan ko. I just need to train more to perfect it, " seryosong sagot ng kadete.

"But how did you acquire those moves inside your head? Are you secretly doing your own training?" taka pa rin niya.

"It's a stock knowledge. Nung tumira ako kina Tito Melchor, pinag-aral niya akong mag-boxing. He trained me in a small gym nearby. Magaling ang trainor doon, he used to be a professional boxer. His teachings retained in my head."

"I see," tango niya. "You do have excellent memory. "

"I'm getting excited to train more because of this aggression that I feel from my body now," lumingon sa kanya ang dalaga. "I have still twenty hours left in my reward, do you have free time tomorrow before it expires?"

"Why?" kunot niya ng noo.

"Balak kong mag-target shooting bukas during our vacant time. I wish you could join me. I know you can't openly give me exclusive training inside the academy, pero pwede naman tayong magkanya-kanya. I can watch and learn from you and you can watch me too and give some comments afterward."

Sumulyap siya sa dalaga mula sa sulok ng kanyang mga mata. Maliban sa seryoso at desisidong- desidido ito sa sinasabi, napansin niya ang malaking pagbabago sa mga mata nito. Wala na siyang maaninag na bakas ng pagiging masayahin at inosente. Ang nakikita niya na lamang sa mga mata nito ay kasabikan at matinding pagkauhaw sa pangarap. Ni hindi na rin ito naasiwa na magkasama sila at malayang nakikita ng ibang mga kadete. Dati kahit magkausap lamang sila ay kita niya agad sa mga mata na hindi ito ganun ka komportable.

"Have a seat," alok niya sa kadete pagdating sa kanyang opisina. Tuwid na naupo ito sa silyang nasa harapan ng mesa niya. Hindi lumalapat ang likod sa sandalan. Nagtungo siya sa payak niyang pantry upang ihanda ang inumin.

"May maitutulong ba ako?" anito habang nagtitimpla siya ng iced coffee.

"Just sit there. Consider this as my own personal reward for you for topping the exam," malugod na ika niya.

"Thank you," pormal na sagot ng dalaga.

Nilagyan niya ng maraming yelo ang kape ni Cassandra. Alam niyang magugustuhan ito ng dalaga lalo't galing sa matinding pagpapawis. "Here," abot niya sa inumin at naupo siya sa kanyang mesa na hawak din ang sariling kape.

"Salamat," may payak na ngiting wika ng dalaga. Sabik na uminom ito nang nakahawak parehas ang dalawang kamay sa tasa. "I miss this kind of drink. I used to be addicted to coffee when I was in US." Binaba nito ang tasa sa mesa at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha. "Sir Carvajal, do you notice some unfairness and injustices in this academy?"

Nagulat si Dominic sa tanong. Ang prente niyang pagkakaupo ay biglang tumuwid. "Bakit ka nagtatanong ng ganyang bagay?"

"Because I witnessed such thing. A high ranking police officer abused his authority towards a helpless cadet in the ground of this academy. I am really disappointed, I thought this place is a shelter of justice but a people with high authority and position could just come and go and beat a cadet," maiigting ang mga pangang bigkas ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon