"Tandaan mo mind over matter lang lagi lahat ha!" nagpipigil ng emosyon at kunway matigas na bilin ni Melchor kay Cassandra. Nasa labas na ang babae ng kanilang bahay. Nakaputing T-shirt, maong na pantalon, puting rubber shoes at hawak ang isang itim na travel bag na eksakto lamang ang laki para sa mga kinakailangan gamit na pinapayagang bibitbitin sa loob ng academy."Opo Tito Melchor," sagot ng dalaga.
Si Brandy, di napigilan ang pag-iyak. Hirap tanggapin na tapos na ang mga araw ng pamamalagi sa kanila nang napamahal ng bisita. "Kumain kang mabuti. Huwag na huwag mong hahayaang magkasakit ka doon."
"Yes Tita."
"Bye Ate Cass!" kaway ng mga bata.
"Bye kids!"
"Cassandra!" Tawag ni Mechor.
"Yes Tito?"
Biglang lumapit si Melchor at niyakap nang mahigpit ang dalaga. " Huwag na huwag kang susuko sa kahit anong laban! Tandaan mo simula't sapul ikaw pa rin ang astig na batang nakilala ko!" naluluhang wika ng lalaki.
"Salamat Tito. Gagawin ko po lahat. Hindi ko po sasayangin lahat ng itinulong niyo sa akin," nakangiting tugon ng dalaga.
"Sige na umalis ka na baka matrapik ka pa," paalam ni Melchor.
Tumalikod sa Cassandra saka unti-unting tumamlay ang mukha kasabay ng pangingilid ng mga luha. Mabibigat ang mga paang naglakad. Maya't mayang nililingon at kinakawayan ang pamilyang nakatanaw pa rin sa kanya. Kasabay ng bawat lingon at kaway niya ay ang mga mapagkunwaring ngiti. Umpisa na ng araw nang pagharap niya sa mga seryosong hamon ng bagong buhay na tatahakin. At ang unang labang kinakaharap niya ay ang hamon ng kalungkutan sa pagkakawalay sa mga taong minamahal.
Naghihintay sa kanto ang sasakyan ni Harry. Kusang inalok siya ng kaibigan na ihatid at hindi naman siya tumanggi. Bagkus ipinagpapasalamat niya pa na kahit sa loob ng mahigit kumulang na dalawang oras na biyahe ay mabibigyan siya ng pagkakataong namnamin ang mga huling minuto kasama ang matalik na kaibigan.
"Shall we leave now?" ngiti ng binata na nakatayo lamang sa labas ng sasakyan habang hinihintay siya.
"Yes. L-Let's go..."
Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ang direksiyon ng pansamantalang tinirhang bahay. Ipinangako sa sariling hinding-hindi iyun kakalimutan. Gaano man kalaking hirap at paga-adjust ang naranasan niya, ang lugar na yun ang nagturo sa kanya na pahalagan ang mga bagay na dati ay binabalewala niya lamang.
Kinuha ni Harry ang kanyang bag at pinagbuksan siya ng pinto. "No need," ika niya bago sumakay.
"Allow me. This is maybe the last chance na pwede akong magpakagentleman sa best friend ko," pabirong wika nito.
Binigyan niya nang tipid na ngiti ang binatang may masiglang mukha. Sumakay siya. Inilagay ng kaibigan sa likurang upuan ang kanyang bag. Nang magkatabi, di maiwasang napabuntong hininga siya nang ubod ng lalim.
"Are you okay?" puna nito.
"I'm having mixed emotions. Nininerbiyos, na-eexcite but I guess right now it's more of separation anxiety."
Ngumiti ang binata pagkuway inumpisahang paandarin ang kotse. "It's okay. Feel all those emotions now dahil pagdating sa academy, isa na lang ang dapat mong maramdaman... ang maging matapang."
Nagulat si Cassandra nang biglang hinawakan ng binata ang palad niya. "Soon you will have your first hell day, The Reception Rites. You can do it, Cass. Keep believing in yourself," seryosong sambit nito habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1