"Wala akong bibisitahin, gusto ko lang hong mag-isip at magpahangin," pahayag ni Harry habang tinatanong ng guwardiya sa gate ng PNPA.
"Pahiram na lang ng ID niyo sir."
Inabot niya ang kanyang driver's license.
"Ipaalala ko lang po sir na may mga areas po na bawal ang mga bisita. Kung maari, hanggang sa may oval area na lang tayo."
Ngumiti siya. "Yes I know. I've been here before."
Malugod na pinatuloy siya ng guwardiya. Payapa siyang pumasok at naghanap ng mapaparkingan. May mga pailan-ilang namamasyal sa mapunong akademya at palibhasa'y weekend kaya may mga kapamilyang dumadalaw sa mga kadeteng pinapayagan nang tumanggap ng dalaw. Ipinarada niya ang sasakyan sa nalilimliman ng puno na halos katabi lang ng kalsada. Lumabas siya ng kotse at napapangiting lumanghap ng sariwang hangin.
"It feels great to breathe same air with Cass," sambit niya sa sarili.
Maaring sa tingin ng iba ay walang saysay ang pagdalaw niya dahil hindi niya naman makikita si Cassandra ngunit miss na miss niya na ang kaibigan at ang mapalapit lamang sa kinaroroonan nito ay sapat na upang maibsan ang pananabik niyang makita at makausap ito. Masaya na siyang makaapak sa lugar na maaring naapakan na rin nito. Yung batid niyang nasa paligid lang ito ay para na rin silang magkasama.
Sumandal siya sa sasakyan at humalukipkip. Nagmamasid-masid at umaasang sana gaya ng dating pagbisita, makita niya ulit si Cass kahit pahapyaw man lamang. Pero mukhang mabibigo siya sapagkat wala siyang nakikitang pulutong ng mga kadete. Naitanong niya na sa kanyang Tita Alex ang mga ginagawa sa 45 days training kaya maaring gumagapang kung saan man sa vicinity ng academy ang kaibigan. Malapit lang ang PNPA sa Metro Manila subalit parang ang layo pa rin nito. Ang hirap ng walang kominikasyon kay Cass di tulad ng nag-aaral pa ito sa Amerika na halos gabi-gabi ay kavideo call niya lang.
Hindi niya rin hinihiling na makita si Dominic. Bagamat nabawasan na ang bigat ng dugo niya sa lalaki, pero wala naman siyang nahihitang matinong balita tungkol kay Cass galing dito. Mabuti na lang ay nasa bahay siya ng chairman nung tumawag yun sa kanyang Tita Alex. Nung huling kita nila ng lalaki ay noong isinauli niya ang hiniram na sasakyan. Ni banggitin ang pangalan ni Cass ay hindi nito ginawa. Lahat ng mga katanungan niya tungkol sa kaibigan ay binalewala lamang na animong nanadya lang.
Tumingin siya sa direksiyon ng main gate. Kumunot ang kanyang noo. Di pa rin dumarating ang kanyang mga kasama. Nagtataka siya kung ano na ang nangyari sa mga yun. Kanina ay magkasunod lang ang kanilang sasakyan. Nung nasa malapit na sa academy, saka niya lang napansin na wala na ang mga iyun sa kanyang likuran.
May dumaan sa harapan niya na apat na unipormadong pulis. Pamilyar ang mukha nung isa, iyon ang Commandant na nakausap ng kanyang Tita Alex nung Reception Rites. Pumasok ang mga pulis sa puti at pinakamalaking gusali na matatagpuan sa academic oval kung saan sa gilid lang nito ang kanyang pinagparadahan. Sumunod na pumasok ay dalawang empleyadang naka office attire at may dalang tig-isang vase ng mga sariwang bulaklak. Mukhang kahit weekend ay may ganap dito. Alam niya kung ano ang building na yun. Iyon ang administration office ng academy. Doon din nag-oopisina ang matataas na opisyal ng PNPA.
Tumingin ulit siya sa gate. Wala pa rin ang hinihintay niya. Tumingin din siya sa paligid. Wala pa ring mga nagmamartsang kadete. Nakuha na lamang ang atensiyon niya nang dumarating na limang naka-convoy na sasakyan. Kaswal na pinagmasdan niya ang mga iyun ngunit biglang kinabahan siya nang makilala ang nasa gitnang kotse. Sa Daddy niya iyon. Tatalikod sana siya ngunit huli na. Nagbaba ng bintana ang kotse nang mapadaan sa harap niya. Walang reaksiyong tiningnan siya ng ama. Patay malisya siyang sumipol at tumingin sa langit. Huminto ang sasakyan sa harap ng puting gusali.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1