Chapter 15

61.4K 2.4K 590
                                    


MONTEVERDE CASSANDRA MARLENE VALDEMOR

Paulit-ulit na binasa ni Cassandra ang kanyang pangalan. Gustong matiyak kung tama ba talagang kasama ang pangalan niya sa listahan. Inirefresh niya ang official website ng academy. Nang makitang muli sa posting ang pangalan niya saka lamang nagtatalon sa tuwa.

"YES! YESSS! YEESSS!"

Nagulat si Brandy na noon ay abalang naglilinis sa kusina. Agad na nagmadaling umakyat ng hagdan pagkarinig ng malakas na sigaw at kalabog galing taas.

"Anong nangyayari? Naaksidente ka ba?" nerbyosang tanong niya pagkapasok sa kuwarto ng dalaga.

Tuwang-tuwang yumakap si Cassandra sa ginang. "Titaaa I made it to the final list of the qualified cadets!" buong pagmamalaking anunsiyo niya.

Namilog ang mga mata ni Brandy. Ngumiti nang abot tenga. Napatalon din sa tuwa at gumanti ng ubod nang higpit na yakap sa dalaga. "Talaga! Sabi na kaya mo yan eh!"

Kumawala sa yakap si Cassandra at excited na pinakita ang posting sa website. "You know Tita there were more than forty thousand applicants but only three hundred plus passed the exam and it was trimmed down into two hundred sixty five and now there are two hundreds who made it to the final list." Yumakap siya sa sarili. "Oh I feel so proud and lucky!"

"Aba karapat-dapat ka naman talagang makasama! Sa dinami-dami ng isinakripisyo at tiniis mo, yan na ang regalo sayo ng Diyos! Pero teka ano na ba ang susunod mong gagawin?"

Napakunot ng noo ang dalaga at natigilan. Sa kakatitig sa pangalan niya, nakalimutan niyang basahin ang mga instructions. Muli niyang nireview ang page nakasaad dito kung kelan siya papasok ng academy at ang mga bilang na bilang na mga gamit na dapat niya lamang bitbitin.

For Females

Sanitary napkins, panty shields, 6pcs. white sando shirts, 6pcs. skintone brassieres, 2 pcs. skintone sports bra, 8 pcs skintone panties, 2 pcs black cycling shorts, bath soap, shampoo, deodorant, cotton buds, toothbrush, toothpaste, alcohol, laundry soap, baby oil, comb, nail cutter, cotton, baby powder, scissors, needles, thread and safety pins, 5 pcs. plain white v-neck T-shirt, 5 pcs. plain white round neck T-shirt, 3 pcs. plain black round neck T-shirt, 3 pairs maong pants, 3 pairs black jogging pants, 2 pairs white pajama, 1 pc. white bath towel, 1 pair durable white running shoes, 6 pcs. black short pants, 4 pairs white socks, 4 pairs black socks, 4 pcs. white handkerchief, 1 pair white slippers, 4 pcs. black ballpen, 2pcs. black pentel pen, 1 pc. record book (100 pages), 1 pc. pocket notebook. NOTE: DO NOT BRING ANY ITEM NOT INCLUDED IN THE LIST.

Napatanga ng ilang sandali si Cassandra. "Does it mean no cellphone allowed?"

"Baka ganun na nga kasi bawal daw magdala ng anumang gamit na wala sa lista."

Magkasabay na dahan-dahang lumungkot ang mukha ng dalawa.

"Oh bakit tumamlay yang mukha mo?" kunway puna ni Brandy na pilit tinatago ang sariling lungkot na naramdaman.

"Kasi ibig pong sabihin ay dapat ko nang kausapin ang mga taong dapat kong kausapin bago pumasok ng academy. If my world will be temporarily contained within the walls of the training school, I wish to see first the people whom I want to see... Kayo, bakit naman parang nalungkot din?" pansin din ng dalaga.

Pinahiran ng ginang ng kuwelyo ang namumuong luha sa mata. "K-Kasi ibig sabihin, malapit ka nang umalis dito sa amin. Mami-miss ka namin."

Naantig ang dalaga sa sinabi ng kausap. "I will be forever grateful for the support and love that your family gave me. At least pag wala na po ako dito, mababawasan na kayo ng sakit ng ulo. Wala na kayong pagtatalunan lagi ni Tito Melchor," pabirong wika niya upang pilit pasayahin ang nalungkot na kausap.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon