Chapter 35

10K 552 244
                                    

Pansin na pansin ni Natalie ang magandang mood ni Harry habang nagmamaneho ito. Maaliwalas ang maya't mayang napapangiting mukha. Simula nang makadalaw sila kay Cassandra ay halos araw-araw na itong masaya. Natutuwa din siya sa naging resulta ng pagpunta nila ng PNPA sapagkat mula noon ay naging mas malapit na rin sila ni Harry. Naging komportable na ulit itong kasama siya. Hindi niya sukat akalain na ang unang dahilan kung bakit sila naghiwalay ay siya rin palang dahilan para magkalapit silang muli. Napakalaki ng pagkakamali niya na pinagselosan niya ang matalik nitong kaibigan at pinapili pa ito sa kanilang dalawa. Sa tuwing naiisip niya yun, gusto niyang iuntog ang ulo sa pader.

Ngayon ay sinundo siya nito at magkasabay silang papasok sa Hilux Motors. Unang araw niya bilang personal secretary ni Harry. Hindi rin siya makapaniwala na aalukin siya ng binata ng ganitong trabaho. Swerte talaga yung pagbisita nila kay Cassandra dahil pagkabalik na pagkabalik nila galing PNPA ay inalok agad siya ni Harry ng trabaho. Siyempre hinding-hindi niya ito tatanggihan lalo't ibig sabihin nito ay madalas na ulit silang magkakasama.

"Kinakabahan ka ba sa unang araw mo?" tanong ni Harry.

"Medyo," nag-aalangang ngiti niya.

"Don't worry mababait naman mga empleyado ng Golden Pacific at Hilux."

"I know. They were all good to me the last time I visited you. By the way, salamat sa pagsundo mo sa akin."

"No problem. If I have time, I'll make sure na mahahatid-sundo kita lagi."

Agad na naglipana ang mga paru-paru sa tiyan ni Natalie subalit hindi niya pinahalata ang matinding kilig na naramdaman. Iniiwasan niya mang mag-assume pero nangangarap siyang sana ay unti-unti nang bumabalik ang pagtingin sa kanya ng dating nobyo.

"S-Salamat," kiming sambit niya.

Napapalunok at hindi makatingin si Harry sa katabi. Ang makasama sa trabaho si Natalie ang pinakamagandang solusyong naisip niya para mabantayan ang dalaga ayon sa napag-usapan nila ni Dominic. Nahihiya siya sa sarili na may ibang natatagong dahilan kung bakit niya ito inalok ng trabaho pero gayunpaman ay totoong pagmamalasakit bilang kaibigan ang pinapakita niya dito. Dito man lang ay makabawi siya sa pagkakaroon niya ng ibang motibo.

"Will you be okay with the job? Medyo malayo eto sa course na natapos mo," aniya.

Ngumiti si Natalie. "I can do it. I'm going to love this job lalo na ikaw naman ang magiging boss ko."

"Medyo may pagka istrikto ako paminsan-minsan," diretsong pag-amin niya. "I hope you will not be sensitive kapag napagsabihan kita."

"That won't be  a problem. We can be friends outside work pero pagdating sa trabaho alam kong mas nakakataas ka pa rin sa akin. I worked in hotel reception and I dealt with guests with different attitudes kaya hindi ako maramdaming tao pagdating sa trabaho," paliwanag ni Natalie. "Harry would you mind if I ask why you offered me the job?"

Napalunok muna si Harry bago siya pumukol ng sulyap sa katabi. "Matagal ko nang balak maghanap ulit ng personal secretary dahil simula nang hinawakan ko ang Hilux, domoble ang dami ng trabaho at schedules ko. Nagdalawang-isip ako nung una kasi ang gusto kong makuhang sekretarya ay yung magiging komportable agad ako especially that person will be working close to me. I had bad experience hiring personal secretary, sa halip na nakakatulong ay dumagdag lang sa sakit ng ulo ko. "

Napangiti sa isipan si Natalie. Tama ba ang naiisip niyang indirectly sinasabi sa kanya ng kausap na komportable na ulit siya dito.  "I promise I'll work hard and I won't be a headache to you."

"Thank you. I'll look forward to that."

"I've heard too na maganda magpasahod ang Golden Pacific Group kaya hindi na rin ako nagdalawang-isip tanggapin tong trabaho," kunway tawa ng dalaga.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon