Chapter 3

78.7K 2.6K 510
                                    


Ilang minuto nang pinipigilan ni Cassandra ang kanyang pantog. Nagpapalipas muna siya ng ilang sandali upang pag-aralan ang mga bagay-bagay na matatagpuan sa loob ng maliit na banyo. Nang hindi niya pa rin malaman ang gagawin, di nakatiis na lumabas siya't tinanong na ang mataray na maybahay ng kanyang Tito Melchor.

"T-Tita Brandy paano ho ba mag-flush dito? C-Can you please teach me how to do it," atubiling pakiusap niya.

Pumasok ng banyo ang ginang habang siya ay nasa may pintuan lamang upang panoorin ito. 

"Walang flush ito. Bubuhusan mo lang."

"Bubuhusan?" kunot noong ika niya.

"Ay naku! Ganito lang yun oh!" Kinuha ni Brandy ang tabo mula sa baldeng walang lamang tubig at pagkuway dinemonstrate ang gagawin. 

"B-But where do I get the water? There's no water coming out of the faucet."

Umiling ng ilang beses ang ginang. "No. You-you... don't get the water into there. You...you.... go g-get it there," sabay turo sa malaking drums. "No water in the gripo, undertsand?"

Napakunot ng noo si Cassandra. "How do you get your water here if there's no water coming out of the faucet?"

"You make igib-igib outside. The faucet there has water twenty four hours a day... Teka ba't ba kanina mo pa ako iniingles? Anong klaseng probinsiya ba ang pinanggalingan mo't ingles yang lengguwahe mo ha?"natatauhang wika ni Brandy.

"Naintindihan ko na ho Tita! Dalii labas na po kayo dyan at ihing-ihi na ako!" kunway tarantang wika ng dalaga para lamang makaiwas sa tanong ng kausap.

Iingus-ingus na lumabas ang ginang. Malakas ang kutob niyang may itinatagong sekreto ang mister at ang dalaga. Hindi siya naniniwalang laking probinsiya ito. Sa kutis, kilos at pananalita na lamang nito ay halatang-halatang anak-mayaman. Hindi na lamang siya umiimik o nag-uungkat ng kung ano-ano pa dahil sa simpleng sinabi ng asawa na ang magulang nito ay isa sa mga tumulong sa kanya para makabalik sa serbisyo. Pero pasasaan ba't malalaman niya rin ang totoo. Ang inaalala niya lamang ay kung hanggang kelan sa kanila makakatagal ang dalagang halatang-halatang lumaking may pagka-spoiled brat.

"Tipirin mo yung pagbuhos ng tubig ha! Ang hirap mag-igib!" pahabol na sigaw niya sabay baling ng atensiyon sa mga anak na nakatutok lamang sa telebisyon. "Uy kayong tatlo, tama na yung TV! Ligpitin niyo yung mga kalat niyo sa taas! Di ba bilin ng tatay niyo bago umalis ng trabaho ay tulungan niyo yung Ate Cassie niyo sa pagliligpit ng mga kalat sa kuwarto? "

Nang hindi sumunod ang mga anak ay inis na pinatay niya ang telebisyon. 

"Mama naman!" reklamo ng panganay.

"Heh! Tumayo ka diyan. Linisin mo yung mga kalat sa kuwarto mo dahil dun muna ang bisita natin!"

Kakamot-kamot na tumayo ang anak at umakyat samantalang nakatanga lamang sa kanya ang dalawa pang bata. "O kayo rin tulungan niyo ang Kuya Mark niyo!" nandidilat na wika niya at sabay tayo din ng mga ito. 

Bumalik siya sa ginagayat na karne sa mesa. "Ano kayang ipapakain namin sa batang yan eh mukhang di pwedeng pakainin ng mga pipitsuging ulam," napapailing at problemadong bulong niya sa sarili.

"What are you doing Tita?"

Napaiktad siya sa biglaang pagsalita ni Cassandra sa kanyang likuran. " Ay! Huwag ka namang nanggugulat!"

Napahawak sa lalamunan ang dalaga. "Sorry. Napalakas ho ba ang boses ko?... Are you cooking?" sabay pabulong na wika nito.

"Yes. I am? What do you want for ulam? I'm cooking adobo. You eat adobo? You know what adobo is?"

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon