"Twenty four.... T-twenty five.""Yes! You did it Cass!" tuwang-tuwang palakpak ni Natalie matapos makumpleto ng kasama ang pagpupush ups.
Hingal na hingal na tumayo si Cassandra. Tagaktak ang pawis sa mukha. Nanginginig sa pangangalay ang mga balikat at kamay na naupo sa tabi. Sa wakas ay nakayanan niya na rin ang dalawampu't limang push ups.
"You think you can make it now to the physical fitness test?" namimilog ang mga matang wika ni Natalie.
Hinihabol ang paghinga na umiling siya. Hindi pa rin siya kumpiyansa sa kakayahan. "Nahihirapan pa rin ako. Sa tingin ko makakapasa lang ako kung hindi gaanong pwersado ang mga push ups ko. Pilit na yung mga huling bilang and some of it weren't done correctly."
" Well don't worry, marami ka pa namang oras para magtrain," ani Natalie. "Shall we run again?"
"Pwedeng maya-maya. Hinga lang muna ako."
"Okay. Let's take a rest na muna!"
Napatingin si Cassandra sa kasamang nakangiting tumabi sa kanya. Madalas na niya itong nakakasamang magjogging. Pumayag ang kanyang Tito Melchor na baguhin ang oras ng pagtakbo niya. Sa hapon na lamang upang nakakasabay niya sina Natalie at Harry. Pabor din naman ito sa pulis lalo na't napapadalas ang duty nito sa gabi kung kaya't nahihirapan ding gumising sa madaling araw. Hinahatid na lamang siya nito sa complex kapag may oras at doon ay nagkikita-kita na lang silang magkakaibigan. Maayos na ang relasyon nila ni Natalie. Unti-unti na ring nasasanay ang dibdib niya na nakikitang kasama ito ni Harry. Habang tumatagal mas masarap pala sa pakiramdam na nagiging kaibigan din ang kaibigan ng taong importante sayo. Maliban sa pasulpot-sulpot na maliliit na kirot kapag inaatake siya ng maling pagseselos, wala na siyang ibang problema. At batid niyang mawawala din ang natitirang mga kirot pagdating ng panahon.
"Kelan mo ba sasagutin ang kaibigan ko?" usisa niya.
"Hmmm... I'm still weighing things. Medyo hindi pa ako masyadong confident sa magiging desisyon ko."
Ngumiwi siya. "Aish! Was it because of Harry and me again? Akala ko ba tapos na sayo ang isyu na yun?"
"You're out of the issue anymore. It's all about Harry this time?"
"What about him? Did you find out some secret which I also don't know?" biglang interasadong saad niya.
"Secret!" nakangiting sagot ng kausap.
"Haish pinapatay mo naman ako sa curiosity. Sagutin mo na si Harry, kawawa naman yung kaibigan ko baka di na nakakatulog yun," sabay nagpalinga-linga siya. "Asan na ba ang taong yun?"
"Papunta na katatapos lang daw ng trabaho niya."
"Tch! Yan talaga si Daddy lagi na lang inaabuso ang kabaitan ni Harry!"
"What did you say? What do you mean by Daddy?"
Napatanga si Cassandra sa pagkakadulas. " Ah ang ibig kong sabihin yung Daddy niya! Yung Daddy niya kasi lagi siyang pinapaalalahanang magtrabaho nang mabuti!"
"Ah I see..." pagkuway napaisip ang kausap. " Pero parang hindi naman ganun kahigpit sa kanya si Tito James."
"W-Well maybe I'm wrong pero narinig ko kasi isang beses na pinagsabihan niya si Harry na magsipag sa trabaho," tarantang palusot niya.
"Ah ganun ba?"
"Tara takbo na tayo!" biglang iwas niya sa usapan.
"Okay let's go!" ngiti ni Natalie.
Pagtayo nila ay may dumaang dugyuting lalaki. Kakaiba ang titig nito kay Natalie pagkuway lumapit sa dalaga at dinakma ang boobs nito.
"Eeei! Pervert!" tili ni Natalie.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1