Chapter 26

27.8K 1.3K 406
                                    




Good job....Good job...Good job...

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Cassandra ang sinabi ni Dominic at paulit-ulit niya ring kinakagat ang dila upang huwag mangiti sa tuwing maiisip yun. Iyon na kaya ang umpisa para magtiwala at maniwala sa kakayahan niya ang istriktong training officer? Kahit di niya pa rin talaga malaman kung paano niya eksaktong nasapul ang target eh sana maging hakbang na ito upang mabago ang pananaw sa kanya ni Dominic. Sana makita na nitong ginagawa niya naman talaga ang lahat ng kanyang makakaya para sa pangarap niya.

"Cadette Monteverde. Nabanlawan mo na yan di ba? Bakit sinasabon mo ulit?" wika ni Kyla.

Kumurap siya at napatingin sa damit na kinukusot. Nilalabhan nila ang mga putikang t-shirt sa mahabang lababo sa labas ng kanilang barracks. "Oo nga pala," tarantang tumigil siya sa pagkusot at binitawan niya ang sabon.

"Uy napapansin ko na parang kanina ka pa wala sa sarili," puna ni Melanie. "Hindi ka pa rin ba makapaniwala sa nagawa mo kanina?"

Nag-aalangang ngumiti siya. "O-Oo, nagulat din ako. Di ko akalaing makakatsamba ako nang ganoon."

"Uy sabihin mo natutuwa ka kasi mukhang natuwa rin sayo for the first time si Sir Carvajal. Nakita kong bumulong siya sayo. Anong sinabi niya?" nanunuksong tono ni Kyla.

Nagdalawang-isip muna si Cassandra kung sasabihin ang totoo pero wala naman siyang makitang dahilan para magsinungaling. "G-Good job," ika niya nang nagpipigil ng ngiti.

Sabay na napangiti nang malapad ang dalawang kasama.

"Sabi ko na nga ba eh pinuri ka niya!" masiglang wika ni Kyla.

"H-Hindi ko nga rin ineexpect na pupurihin niya ako," maamong tono ni Cassandra.

Tumingin sa paligid si Melanie sabay hininaan ang boses. "Siguro naman hindi ka na niya pag-iinitan sa mga natitirang araw ng 45days natin."

"Ayos lang naman kasi talaga namang may mga nagiging pagkakamali ako eh," ani Cassandra. Wala siyang karapatang kwestiyunin ang paraan ng pagdidisiplina sa kanya ng kanilang training officer dahil anuman ang mangyari hindi niya maipagkakaila na isa ito sa mga dahilan kung bakit nagagawa niya na ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon.

"Maiba ako. Excited na ba kayo sa Incorporation Rite natin? Ako di na makapaghintay na makita muli ang mga magulang ko," sabik na sabi ni Kyla.

"Ako rin. Susulitin ko talaga ang araw na yun kasi matatagalan na naman ulit bago natin makita ang pamilya natin," ani Melanie ngunit saglit lang nagkaroon ng sigla ang kanyang mga mata. "Pero di ko pa rin sigurado kung makakadalo sila. Sana hindi sila mahirapang lumuwas galing Zamboanga at sana makahanap sila ng pamasahe."

"Ikaw Cadette Monteverde hindi ka na rin ba makapaghintay sa Incorporation Rite natin?" tanong ni Kyla.

"Oo naman pero di ko rin alam kung sino sa pamilya ko ang makakapunta. I wish both of my parents could attend. Saka sana yung dalawa kong kapatid din... but I wonder kung sasama yung kapatid kong lalaki kasi medyo pihikan yun sa mga lugar na pinupuntahan but I really wish they'll attend both coz I miss them so much. Saka sana makaattend din yung family nina Tito Melchor. They are the reason why I made it here in PNPA..." bumuntong hininga nang malalim si Cassandra sabay piga sa nilalabhang damit. "At sana makapunta rin si Harry."

"Harry?" parehong nakakunot-noong bigkas ng dalawang kapwa kadete.

"Boyfriend mo? Huwag mong sabihing may iniwan kang boyfriend sa labas?" salita ni Melanie nang may nanlalaking mga mata.

Mapaklang natawa si Cassandra. "Mapagbiro ka naman Cadette Jacinto. Di ako makasarili para pumasok sa relasyon at pagkakatapos ay ikukulong ko ang sarili ko dito. Hindi ko siya boyfriend. He's my bestfriend. Gusto ko lang siyang makita, makausap at makumusta rin ng personal. Actually may girlfriend na rin siya. Bago din lang sila nung pumasok ako dito. I'm excited to hear from him kung okay ba siya o kung masaya siya sa relasyon niya ngayon." Nanamlay pa rin siya pag sumasagi sa isip si Harry. Aminin niya man o hindi ay miss na miss niya pa rin ang kaibigan. Bago matulog ay lagi niya pa rin itong naiisip. Di pa rin siya masanay-sanay na hindi ito araw-araw nakakausap. Alam niyang wala siyang karapatang maging malungkot dahil sa kanilang dalawa, siya naman ang laging nang-iiwan dito. Kaya nga hinihiling niya na lang talaga na sana masaya ito sa relasyon niya ngayon at sana inaalagaan itong mabuti ni Natalie. At kung masaya na nga sila ng girlfriend, sana magkaroon pa rin ng oras ang kaibigan na manood ng Incorporation Rite nila.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon