" Mama magjolibeee tayo!" ungot ni Carson."Ma, ayon lang po oh! Gutom na po kami!" dagdag ni Mark habang tinuturo ang malapit na jolibee.
"Mamaya na hintayin nating matapos si Ate Cassie niyo," sagot ng ina habang pinapaypayan ang kandong-kandong na bunso.
Linggo. Araw ng admission exam ni Cassandra. Maliban kay Melchor, sumama ang buong mag-anak ng Balatbat sa dalaga para suportahan ito. Nasa lobby sila ng testing center at matiyagang naghihintay. Si Brandy ay talo pa ang nanay na sinasali sa quiz bee ang anak. Wala itong mapaglagyan ng kaba.
"Antagal naman ni Ate Cassie kanina pa tayo dito," reklamo ni Mark.
"Malapit na yun. Tsaka Mark tumigil ka diyan sa kaabang mo kay Ate Cass ha. Baka dahil sa kaiisip mo sa kanya ay namemental block na yun!" sagot ng ginang.
"Ano pong mental block?" taka ng bata.
"Yung nabablangko ang isip. Na kahit anong pilit intindihin yung tanong ay walang pumasok na sagot sa isip."
Biglang umiling ng paulit-ulit si Mark at pagkuway itinaktak ang ulo.
"Anong ginagawa mo?" taka ng ina.
"Inaalis ko po sa isip si Ate Cass kasi kanina ko pa siya iniiisip baka ma-zero siya sa test."
"Mark huwag mong sabihin yan bata ka! Baka magkatotoo!"
"Mama andiyan na po ti Ate Catie!" turo ni Carson. "Yey! Magja-jolibee na kami!"
Mag-isang bumababa ng hagdan si Cassandra. Seryoso at lulugo-lugo habang maya't mayang tumitingin sa kanyang cellphone. Lalong nadagdagan ang kaba ni Brandy pagkakita sa hilatsa ng mukha ng dalaga. Dali-dali niya itong sinalubong.
" Kumusta ang exam?"
"Okay naman po."
" Nahirapan ka ba?"
"Hindi naman po."
Napansin ni Brandy na hindi pa lumalabas ang ibang mga kumukuha ng eksaminasyon. " Teka ba't ikaw pa lang ang lumalabas? Nasan yung iba?"
" Ako po yung pinakaunang natapos."
"Ha?! Bakit?! Meron ka bang mga hindi sinagutang tanong?"
"Nasagutan ko naman ho lahat. Una lang talaga akong natapos."
Nakahinga nang maluwag si Brandy. "Hay salamat naman!" napapahawak sa dibdib na sambit niya. " Gutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?"
"Okay lang ho."
Walang gana si Cassandra. Ang totoo ay parang maiiyak siya sa sama ng loob. Mahigit isang buwan nang hindi nagpaparamdam si Harry. Hindi sinasagot ang mga tawag o kahit text niya man lamang. At isa ang mga araw na iyon sa pinakahihintay niyang baka sakaling maalala siya ng kaibigan. Ilang beses siyang nagpadala ng mensahe at ipinaalam dito ang araw ng exam niya. Ngunit ni isang salitang goodluck ay wala siyang natanggap. Wala siyang alam na naging kasalanan niya. Hindi naman sila nag-away nang huli silang magkita. Basta nabanggit lang nito na aayusin muna ang problema kay Natalie. Ang tagal naman atang maayos at tila umabot na sa puntong kinalimutan na siya nito. Sa una'y nag-alala pa siya na baka may nangyaring masama dito, na baka nagkasakit. Lihim na inabangan niya pa nga ito sa labas ng Golden Pacific subalit nakitang maayos na maayos naman ito. Malakas at masiglang-masigla pa nga. Hindi nga lang siya nakapagpakita dahil kasabay nito ang kanyang Daddy.
"Si Papa oh!" turo ni Mark.
Paparating ang tumatakbong si Melchor. Humahangos na lumapit ito sa kanila. " Tumakas muna ako sandali sa pwesto ko! Ano kumusta ang exam? Nabilugan mo ba ang mga ABCD o all of the above! Hindi ka ba ninerbyos?"
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1