Di mapakali si Harry habang pinagmamasdan si Chairman Monteverde na pumipirma ng mga dokumento sa mesa nito. Patikhim-tikhim at hirap ilabas ang mga salitang kanina pa gustong kumawala sa bibig.
"May sasabihin ka ba, Harry?" kusang puna ng chairman habang nakatingin lamang sa mga papeles.
"Chairman si Cassandra po kasi..."
Biglang tumigil sa ginagawa ang amo at lukot ang noong tumingin sa kanya nang marinig ang binanggit na pangalan. "What about my daughter?"
"S-She's outside your house now... Thinking how to get inside the walls without passing through the guard house."
"What?!" Mabilis na binitawan ni Blake ang sign pen. Tatawagan niya sana ang mga guwardiya sa bahay ngunit hindi itinuloy sa pag-aalalang baka maging magulo lamang ang sitwasyon kapag nakarating sa asawa na nasa paligid lamang ang panganay na anak.
"Call my driver now. Tell him to stand by at the parking's entrance."
"Yes sir." Nagmamadaling tumawag si Harry. "Saan po kayo pupunta chairman?" taka niya nang biglang tumayo ang amo. "We have a meeting in thirty minutes," paalala niya.
"Cancel that meeting. I will go home now. Stay here in my office. Basahin mo lahat ng mga pipirmahan ko pa and report to me if you find anything questionable."
"Y-Yes chairman," walang magawang sagot niya. Nais niya sanang sumama dahil sa pag-aalalang baka mapagalitan si Cassandra. Di niya alam kung dapat niyang pagsisihan na isinumbong ito. Nag-alala kasi siya na baka mas lalo lamang itong mapahamak kapag nahuli ng mga guwardiya. Tumawag lang naman sana sa kanya si Cassandra upang tiyakin kung saan nila itinago ang lubid na ginagamit nila dati kapag tumatakas sa pader para makapaglaro sa labas nang malaya sa mga bodyguards. "Ah T-Tito Blake..." biglang kaswal na tawag niya sa amo. "P-Please don't get too harsh on her."
"Stop worrying about her and do what I told you to do," matigas na tukoy nito sa mga papeles.
"Yes chairman."
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Blake Monteverde. "Tsk. That kid is too stubborn. I told her to wait until I talk to her mother," napapailing na sambit niya sa sarili. Nakiusap na sa kanya ang anak ngunit hindi niya agad ito inoohan sapagkat nais niya munang amuhin ang ina nito.
Pagdating sa parking lot ay nakaabang na agad sa kanya ang sasakyan.
"Chairman, wala po ba kayong kasamang staff sa meeting?" taka ng driver pagkasakay niya.
"We're going home. Bilisan mo!" madiing utos niya.
"Yes chairman!" Tarantang pinaandar ng driver ang sasakyan.
Tumawag siya sa bahay upang alamin kong ano ang ginagawa ng kanyang misis. Nalaman niya sa katulong na nasa grocery store ito. Mas lalo siyang kinabahang baka makita nito sa labas ang anak. Pinatawagan niya rin sa sekretarya ang kanya-kanyang yaya at driver nina Catherine at Gavin upang tiyaking makakauwi nang maaga ang magkapatid.
Pagdating sa kanilang village inutusan niya ang driver na ikutan muna ang kabuuan ng kanilang bahay. At sa bahagi ng pader kung saan malapit ang malaking punongkahoy na nakatanim sa loob ng kanilang bakuran, nahuli niyang maingat na umaakyat ang panganay gamit ang isang makapal na lubid.
Pinatigil niya ang kotse. Lumabas siya at tahimik munang pinanood ang anak. Di malaman kung magagalit o matatawa. "Psst young lady! What do you think you're doing?"
"D-Dad..." Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang makilala ang boses. Natigilan siya na noon ay nangangalahati na sana sa pag-akyat.
"Do you want to be brought to the police station?" kunway naniningkit ang mga matang ika ng ama.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1