Automatic na ang gising ni Cassandra nang alas tres ng madaling araw. Hindi na siya nahirapan sa pag-adjust ng maagang paggising dahil nasanay na siya nang tumira kina Melchor. Pagbangon diretso linis agad ng banyo kung saan buong linggo siyang nakatoka.
"Sana sa sunod sa mas madali-daling gawain na tayo ma-assign," napakahinang bulong sa kanya ni Kyla. Magkasama at seryoso silang nagkukuskos ng tiles sa shower area.
"Ssh.. huwag kang magsalita ng ganyan. Kung anong trabahong ang ibigay sa atin dapat nating taggapin nang maluwag sa loob," aniya.
Nagseryoso sila sa paglilinis at tumigil na sa pagrereklamo ang kasama. Kailangang matapos sila bago maubos ang nakalaang oras para sa paglilinis. Anim silang nakatoka sa pambabaeng banyo. May limang cubicle at tatlong shower area. Bago magsimula ang paglilinis ay nagpopompyang sila kung anong bahagi ang lilinisin ng kada isa. Kadalasan ay sa bowl siya napupunta kaya laking ginhawa na sa kanya na maglinis sa shower area.
Pagkatapos nila sa banyo di numerong nagbihis agad sila ng pang ehersisyo sa umaga. Di pa sumisikat ang araw ay nakatapos na sila ng limang rounds sa academic oval. Limampung push ups at isandaang sit ups.
"Nakikita niyo ba itong hawak ko?" sigaw ng upperclassman nang nakahanay na ang mga bagong kadete at tapos na sa mga ehersisyo. Mga upperclassmen rin ang nagfafacilitate ng exercise habang si Dominic ay tahimik lamang sa isang gilid na nagmamasid at nakabantay.
Naningkit ang mga mata ni Cassandra dahil di niya makita ang hawak ng upperclassman. Papasikat pa lang ang araw kaya di pa ganun kaliwanag ang paligid.
"Hibla ng buhok sir!" sigaw ng kadeteng nasa unahang hanay na malapit sa naturang upperclassman.
"Tama! Nakita namin ito sa banyo ng mga babae! Sino-sino ang naglinis doon?!"
"Sir ako po!" mabilis na pagtaas ng kamay ni Cassandra kahit batid niyang parusa ang kapalit ng pag-amin niya. Hinintay niyang magtaas ang kamay ng mga nakasama niya pero saglit silang nag-alinlangan.
"Sino pa?!" galit na tono ng upperclassman.
Saka lamang isa-isang nagsipagtaasan ng kamay ang mga kapwa niya na-assign sa banyo.
Nakahalukipkip na lumapit si Dominic. "The five person who hesitated to raise their hands, run another five laps. The rest, proceed to the mess hall," tukoy niya sa canteen.
Magmamatrsa na sana si Cassandra ngunit bigla siyang inusig ng konsensiya. "Sir sasamahan ko na po sila tutal kasama rin naman ako dun sa naglinis."
Napahinto si Dominic at agad na sinamaan siya ng tingin. "Okay. Give us eight lapses since you are deciding on your own."
Bigla siyang napalunok. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero huli na dahil mabilis nang nagsilakaran ang mga nakahanay na kasamahan at di na siya binigyan ng pagkakataon ni Dominic na makapagsalita. Walang magawang humilera siya sa mga pinarusahan at sinimulan nila ang pagtakbo.
"Ikaw kasi di ka na nga parurusahan, nagsalita ka pa," ani Kyla nang magkasabay sila.
"Nakakahiya naman sa inyo, alangan namang ako lang ang di maparusahan eh pare-pareho lang naman tayong natoka sa banyo ng babae."
"Okay lang naman sa amin yun. Bilisan mo na lang baka wala ka nang maabutang almusal," paalala ng kasamahan.
Natapos na ng mga kasama ang limang laps habang siya ay may natitira pang tatlo. Naiinggit na tumingin siya sa kanila. Kinakawayan siya ng grupo bago tumungo sa canteen. Kumakalam na rin ang sikmura niya ngunit kahit gustuhin niya mang mas bilisan ang takbo ay di na magawa ng mga paa niya dahil sa gutom at panghihina. Ipinagdarasal niya na lamang na sana pagkatapos niya ay may oras pa rin para makapag-almusal siya.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1