Chapter 28

25.9K 1.3K 622
                                    


"They all look the same. I can't even recognize which one of them is Ate Cass," reklamo ni Gavin habang napipilitan sa pagkuha ng video gamit ang cellphone dahil sa utos ng ina. Bored na bored na siya sa di maintindihang seremonya. Kanina pa siya naatat maglaro sa cellphone pero dahil sa pagvivideo ay di niya magawa. Ang utos pa mandin ay kukuhanan niya mula umpisa hanggang matapos.

"They all look like a robot," napapabuntong-hiningang komento ni Catherine. Kumukuya-kuyakoy ang malilit na mga paa habang iniikot sa daliri ang dulo kanyang buhok.

"Hon, matagal pa ba tong ceremony? Gusto ko ng makita nang malapitan ang anak natin," ani Blake.

Walang sagot si Alex sa mga sinabi ng nababagot na mga kasama. Nakatutok lang siya sa mga naka-maroon na kadeteng sabay-sabay at swabeng-swabeng nagsasilent-drill. Nang muling tumugtog ang  pangmartsang musika ay pinaglapat niya ang mga palad na animong nagdarasal. Nagmartsa patungo sa gitna ng malawak na damuhang pinaggaganapan ng seremonya ang mga bagong hirang na mga plebong nakatapos ng 45-days training. Nangilid ang kanyang mga luha sapagkat di pa rin makapaniwalang umabot sa ganitong seremonya ang anak. Pagkatapos ng araw na iyon ay magiging isang ganap ng kadete ang panganay. Panibagong yugto na naman ng buhay sa akademya ang mararanasan nito.

Pagkatapos magsalita ng police chief of staff na siyang panauhing pandangal ay saka natapos ang programa. Nagpalakpakan lahat ng bisita at isa si Alex sa may pinakamalakas na palakpak at may kasama pang pagtayo. Hindi maalis-alis ang mga ngiti niya habang pinapanood ang pangkat-pangkat na nagmamartsang mga pulutong palabas ng napakalawak na damuhan.

"Is it finished mom?" biglang siglang sabi ni Catherine.

"Yes," malugod na sagot niya.

"Yes! I can hug Ate Cass now!"

"Ohh that's a good idea but sadly you can't do it here sweetie," aniya.

Tumamlay ang mukha ng bata. "W-Why? Why can't I hug my sister?" tila di matanggap na tanong nito.

"It's not allowed," bulong niya sa bunso.

"But why?" di pa rin maintindihang sambit ng bata.

"Dahil isa yun sa mga rules ng school na to para sanayin na huwag maging emosyonal ang isang cadet."

Nagpapadyak ang bata. "I really don't understand. Why did Ate Cass study in this horrible school!" malakas at dismayadong-dismayadong sabi nito.

"Psst." Tarantang tinakpan ni Alex ang bibig ng bunso. Tumingin siya sa asawa. "Hon kargahin mo na nga itong anak natin."

Sumunod si Blake. Nabago agad ang timpla ni Catherine nang kargahin ng ama. Tumigil sa pagtatanong at naging excited na ulit. Nabaling na sa ibang bagay ang atensiyon. Sa tatlong anak, ang bunso ang naging pinaka daddy's girl kaya pagnagtatantrums ito si Blake agad ang naiisip na solusyon ni Alex.

"Where are we going now mom?" tanong ni Gavin.

"To the room lent to us by the school." Tiningnan niya si Gavin at ang hawak nitong cellphone. "Navideohan mo ba ang buong ceremony?" galak niyang tanong.

Ngumiwi ang binatilyo "I did. It was the most boring video I've ever took in my whole life. I couldn't identify which one is Ate Cass kaya kinuhanan ko na lang lahat ng mga cadets."

Hindi naapektuhan ang ina sa sagot ng anak. "It's okay. Ang importante ay may remembrance tayo sa Incorporation Rites ng ate mo," masaya pa ring tugon niya.

"Hon, let's go baka hinahanap na tayo ni Cass," aya ni Blake na hindi na makapaghintay makita nang malapitan ang panganay. Nasa amphitheater stage pa sila na nakaharap sa malawak na damuhan. Doon ang pwesto ng mga nanonood na pamilya at mga panauhing pandangal.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon