Chapter 8

55.9K 2.2K 297
                                    



Hindi pa sumisikat ang araw ay nakaabang na sa kanto si Cassandra, naka jogging pants at hoodie jacket. Maya't mayang tumitingin sa relos habang humahaba ang leeg sa katatanaw sa kalayuan ng kalsada. Ganado siyang magtraining sapagkat pinagbigyan siya ni Melchor na si Harry muna ang kasama sa pagi-exercise. Makakatakbo na rin siya nang walang mahigpit na tagabantay at tagasita. Excited na siyang makasama ulit ang kaibigan matapos ang ilang araw na puro pag-eensayo na lamang. Mabuti na lang at hindi siya tinanggihan ng kaibigan dahil ang schedule naman talaga ng workout nito ay pagkatapos ng trabaho. Quarter to five ang usapan nila pero alas kwatro y medya pa lang ay hinihintay niya na ito sa labasan baka kasi magbago ang isip ng kanyang Tito Melchor at maisipan pa nitong sumama.

Gumuhit agad ang malaking ngiti sa kanyang mukha nang matanaw ang papalapit na sasakyan ng kaibigan. Di makapag-antay na kinawayan niya ito kahit pa kitang-kita naman ang pagkakatayo niya sa kanto. Eksakto lamang ito usapan nilang oras.

"Harry andito ako!" Paulit-ulit niyang kaway at tawag.

Huminto ang kotse sa harap niya at lumabas dito ang lalaki.

"Good morning!" masiglang bati ni Harry.

"Good morning!" Mas masiglang bati niya. "Ready ka na ba magpapawis?" Natigilan siya sa pagsasalita nang magbukas ang isa pang pinto ng sasakyan. Nawala ang mga ngiti niya nang lumabas dito ang pamilyar na magandang babae na dati ay sa pictures niya lang nakikita.

"Hi! I hope you won't mind if I tag along?" nakangiting wika nito.

Naguguluhang tumingin si Cassandra sa kaibigan. Lumapit  ang binata sa kanya at ganun din ang kasama nito.

" Cass si Natalie. Natalie si Cassandra, bestfriend ko."

Nakatanga lamang siya habang kinakamayan ni Natalie.

" Nice to meet you. I heard a lot about you from your friend."

Tuloy lamang ito sa pagkamay sa kanya habang kukurap-kurap lamang na nakatitig at nakatingala siya sa mukha ng maganda at matangkad na babae.

"Cass... Natalie is talking to you," pabulong na wika sa kanya ni Harry sabay pasimple siyang siniko nang mahina sa braso.

Natauhan siya pagkuway naasiwang ngumiti. " Ah h-hi N-Natalie. F-Finally nakita na rin kita ng personal. M-Madalas ka ring banggitin n-ni Harry sa akin." Tumingin siya sa kaibigan. Patagong pinandilatan at iningusan niya ito sa hindi pag-abisong may kasama pala. Binalewala lamang ng lalaki ang reaksiyon niya.

"Shall we leave now?" ganadong aya ni Harry. " Let's continue the meet and greet talk inside the car."

Tahimik ngunit hindi pa rin humuhupa ang pagkasurpresa na humakbang si Cassandra patungo sa kotse. Sasakay sana siya sa unahan ngunit natigilan siya nang doon din pala sasakay si Natalie. Pinagbuksan pa ito ng pinto ni Harry. Walang magawang sumakay na lamang siya sa likurang upuan.

Walang imik siyang naupo. Napalunok siya nang masaksihang sinusuotan pa ng seat belt ni Harry ang babae. Biglang gumuho ang excitement niya sa page-exercise. Nakaismid na tumingin siya bintana. Kung alam niya na ganito, sana niyaya na lamang niya ang kanyang Tito Melchor. Hindi niya rin naman pala masosolo ang kaibigan. Sa dinami-dami ng araw, bakit sa ganitong pagkakataon pa kailangang ipakilala sa kanya si Natalie?

"Natalie is a fitness buff too. While we were talking on phone last night nabanggit ko yung schedule natin ngayon and she wanted to join. Hindi ko na nabanggit sayo dahil late na, alam ko namang maaga kang natutulog for your early training," ani Harry habang nakatingin sa kanya sa salamin.

"Ah okay..." walang ganang tugon niya. Tiningnan niya sa salamin ang kaibigan nang blangkong mukha. So nag-uusap pala sila gabi-gabi? Kaya pala pag tumatawag siya laging busy ang phone nito. Ang akala niya ay kausap nito lagi ang Daddy niya dahil sa trabaho yun pala ay pumapag-ibig lamang.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon