Chapter 12

52.4K 2.3K 336
                                    


"It can't be! It can't be!" 

Mag-isang kinakausap ni Cassandra ang sarili sa kuwarto. Pilit pinapaniwala ang sariling hindi totoo ang kanyang nalaman. Papaanong ang iyaking batang nakilala ay lalaki nang ganoon kaangas at kagaling humawak ng baril? Kahit anong pag-iisip ang gawin niya hindi niya makonekta ang dating batang kaeskwela sa lalaking nakilala niya ngayon. Tila imposibleng iisang tao lamang sila.

Sinubukan niyang i-search online ang impormasyon tungkol sa binata. "What was his full name again? Dominic... Dominic...argh I can't remember!"  batok niya sa sarili sabay tapon ng cellphone sa kanyang kama.

Posible kayang kilala na siya nito at sa bawat pagkikita nila ay nagpapanggap lamang? Pero wala siyang anumang social media account at bawal na bawal din sa pamilya niya na mailagay sa anumang write ups or magazine ang kanilang litratong magkakapatid. Walang paraan para makita nito ang mukha niya sa internet. Nung pagdalaw nito sa bahay nila hindi kaya nakita nito ang litrato niya? Pero hindi rin naman basta-basta nakadisplay ang mga larawan niya sa bahay. Saka kung may nakita man ito, ano ang rason para magpanggap itong hindi siya kilala?

Natutukso siyang tawagan si Harry upang alamin ang mga nangyari nung dumalaw si Dominic sa kanila. Idadayal niya na sana ang cellphone ngunit muling nangibabaw ang kanyang pride at sama ng loob sa matalik na kaibigan. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi na ito kakausapin at papansinin kahit kailan. Kung kaya siya nitong kalimutan, kaya niya rin!

Inilayo niya ang isip mula sa lalaking nagpapabigat ng kanyang kalooban at ibinalik sa lalaking nagpapagulo ng kanyang isipan.

Paano kaya nalaman ni Dominic ang araw ng exam niya? Posible kayang ang impormasyong iyon at ang pagkikita nila sa Cavite ay konektado? Hindi kaya may koneksiyon ang dating kaklase sa academy na nais niyang pasukin? Dali-dali niyang dinampot muli ang telepono. Binuksan ang website ng academy. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang larawan ng dating kaklase sa homepage. Unang-una sa lahat ng featured stories ang tungkol sa dating kaibigan.

"Dominic Lord Carvajal- A newly recruit training officer. A Filipino-American who graduated at one of the most prestigious police academy in United States,  Greene Police Academy. A FBI agent hopeful. And a new hope of PNPA who could bring new training method to the..."

Nabitawan niya ang cellphone. Hindi niya na nagawang tapusin ang binabasa at tila gusto niya na lamang maglaho sa mundo. Nanghihinang napadapa siya sa kama at pagkuway isinubsob ang mukha sa unan.

Magiging training officer niya kaya ito? "Hindi pwede! Nakakahiya!" Anong mukha ang ihaharap niya sa lalaking paulit-ulit niyang minamaliit sa isipan.

Dali-dali siyang bumangon at nagbihis ng pang-gym. Hindi siya pwedeng maging kampante. Pinagtawanan na siya nito sa shooting range at hinding-hindi na siya papayag na maulit iyon. Hindi siya pwedeng maging mahina sa mga mata ng lalaking tinatawag niyang lampa. Tiyak na isa ito sa mga taong walang tigil na ikukumpara siya sa kanyang ina.

"Oh saan ka pupunta?" taka ni Aling Brandy nang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.

"Maggi-gym ho."

"Hindi ka man lang ba muna magpapahinga. Katatapos mo lang mag-exam ah!"

"Hindi ho! Susunod na ang physical fitness test at yun ang hinding-hindi ko pwedeng pabayaan!" sabay takbo niya papalabas ng bahay.


                                     -----


Nasa Camp Crame training ground ang mga kukuha ng physical fitness test. Nakaputing T-shirt at short ang mga lalaki. Naka puting T-shirt at pantalong maong naman ang mga babae. Tahimik sa isang sulok si Cassandra nang may nanlalamig na mga kamay. Kabadong-kabado na nadagdagan pa ng matinding pagka-concious sapagkat maya't maya siyang pinagtitinginan ng mga kapwa aplikante. Ang iba'y nagbubulungan pa habang nakatingin sa kanya.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon