Ang kaakibat ng paghihirap ay reyalidad. Pagkatapos ng pinagdaanang hirap at dusa sa kanyang fitness examination animong sinampal si Cassandra ng reyalidad ng isang bagsakan. Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salita ni Dominic Carvajal sa kanyang isipan, na wala pa sa isang porsyento ang hirap na naghihintay sa kanya sa loob ng academy. Iyun ang linyang pumukaw sa kanyang diwa upang kusang alamin kung ano nga ba ang mga bagay na nag-aabang sa kanya pagdating ng ilang buwan.Halos buong gabi siyang nagbabad sa internet. Pansamantalang itinabi ang mga libro sa pagpupulis. Tapos na ang yugto kung saan mas binubusog niya ang utak at kaalaman. Panahon na para lakas, pangangatawan at kumpiyansa naman ang kanyang mas higit na pagtuunan. Ang mas isapuso ang pagi-ensayo nang may kasamang mas malawak na pang-uunawa. Nanood siya ng mga videos, documentaries, balita at mga panayam na may kinalaman sa eskwelahang papasukan. At sa loob lamang ng isang gabi parang binuhusan ng semento ang kanyang puso. Nanigas, naging matibay at naging selyado na hindi na basta-basta magagalusan. Namulat ang kanyang buong pagkatao... na hindi isang simpleng giyera lamang ang kanyang susuungin kundi isa itong mahabang giyerang paulit-ulit na mangyayari sa loob ng apat na taon.
"Ano bang nangyari dito sa kamay mo? Kailangan ba talagang masugatan ito? Hindi mo ata nilagyan ng gamot kagabi kaya hanggang ngayon ay hindi pa natutuyo," wika ni Brandy habang kinakausap ang nag-iisip nang malalim na dalaga. Nilalagyan ng ginang ng band-aid ang mga sugat matapos pahiran ng betadine.
"Sanayin mo na ang sarili mo dahil hindi lang yan ang magkakasugat diyan pagdating ng araw, pati siko, hita, tuhod, mukha!" wika ni Melchor na noon ay naghahanda na para sa trabaho.
Matamlay siyang ngumiti at marahang binawi ang mga kamay mula sa ginang. "Tama si Tito Melchor... Wala pa ito sa kalingkingan ng mga sakit at sugat na matatanggap ko pa. Pero dahil nandidiyan pa kayo, sasamantalahin ko muna ang mga sandaling may gagamot sa akin," kunway may lambing na wika niya sa dulo.
"O pano alis na ako. Mamayang gabi na lang ulit tayo mag-ensayo sa gym, Cassie," paalam ni Melchor.
Mabilis na tumayo si Cassandra. "Ah Tito Melchor you've already done a lot for me and I do appreciate all your help. In few weeks I will be soon receiving the final result of my admission status, pwede ho ba na sa mga natitirang araw ko dito sa inyo ay ako na muna ang bahala sa sarili ko? Sa palagay ko ho ay marami pa akong dapat matutunan tungkol sa aking sarili. Na-realize ko pong naging masyado akong dependent sa mga taong tumutulong sa akin that somehow I feel lost about the things that I really want to know on my own. This time I want to be fully prepared based on my own instinct and enthusiasm alone. I hope you can grant me with this last request Tito Melchor," seryosong pakiusap niya.
Natigilan ng ilang saglit si Melchor. "Well... you know... yeah... okay... alright... I understand you. Nalagpasan mo na ang maraming pagsubok sayo kaya naniniwala akong siguro nga ay kaya mo na ang sarili mo. Pagbutihan mo lang at basta kung kailangan mo pa rin ang tulong ko, just call me and I'll be there."
Sumilay ang malaking ngiti sa mukha ng dalaga. "Salamat po!...I'll be gone for the day!" sabay nagmadali itong umakyat ng kuwarto upang magbihis.
"T-Teka saan ang lakad mo?" pansamantalang pigil ni Brandy.
"Sa parlor."
"Parlor?!!!" sabay na bulalas ng mag-asawa.
"Opo," matamis ang ngiting sagot ng dalaga.
-------
Napanganga ang buong mag-anak ni Koronel James Corpuz na noon ay nasa kalagitnaan ng family lunch sa biglaang pagsulpot ng di inaasahang bisita. Muntik na nila itong di makilala sa bago nitong hitsura. Naka puting T-shirt, pantalong kupas na maong, sneakers.... at ang buhok, ubod ng iksing pixie cut.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1