"Matagal pa ba yan?" inip na tanong ni Harry.
"Teka lang patapos na, limang stalks na lang," sagot ni Cassandra.
Nagtitimping bumuntong-hininga si Harry sabay tingin sa relos. Halos isa't kalahating oras na ang nauubos nila sa flower shop pero di pa rin matapos-tapos ang kaibigan dahil sa sobrang napakabusisi pumili.
" Why do you need to check the flowers one by one? Puting rosas. Pare-pareho lang naman ang hitsura ng mga yan," komento niya habang seryoso pa ring iniisa-isa ni Cassandra ang bawat piraso ng bulaklak na dinadampot.
"Siyempre kailangan mong tingnan kung healthy pa ba yung mga petals, okay ba yung pagkakabuka, yung sukat din. Dapat uniform yung pagkakabuka at sukat ng bawat rose para pag pinagsama-sama, magandang tingnan." Nakangiting inaamoy-amoy pa ng dalaga ang rosas.
Ngumiwi si Harry. " Importante pa yang mga yan? Pag pinagsamasama mo yan, iisa lang ang hitsura niyan, white roses! Kapag yang roses naging tulips maiintindihan ko yang effort mo."
Biglang napaangat ng mukha si Cassandra at salubong ang mga kilay na nilingon ang pilosopong kasama. "You've been nagging since we arrived here. Kung binibigyan mo ako ng katahimikan at hinahayaang makapagconcentrate sa ginagawa ko e di sana tapos na tayo!"
"Tsss! You're too meticulous. Are you sure you prefer guns over flowers?"
Tumaas ang isang kilay ng dalaga. "Hoy Harry hindi porket magpupulis ako ay wala ng natitirang femininity sa pagkatao ko."
"Bilisan mo na lang kasi!" medyo malakas at pikong wika na ng lalaki.
Napagitla si Cassandra nang napagtaasan ng boses. "Eto na tapos na. Ipapa-arrange ko na."
Lumapit siya sa counter ng nag-aarrange ng mga bulaklak. Iniabot niya dito ang limampung pirasong puting rosas. "Miss, paki-arrange, tig twenty five each basket."
"Mukhang nagalit na yung boyfriend mo ah. Ikaw naman kasi ang tagal mong pinaghintay," pabulong na sabi ng babae sa counter.
Tiningnan ni Cassandra si Harry nang may kataliman. May tumatawag dito ngunit hinahayaan lamang ng binata na magring ang telepono. Umingos siya sabay tingin sa tindera. " Hindi ko boyfriend yan!"
"Ha? Ano mo siya?"
"Alalay! Ang pangit kaya niyan para maging boyfriend ko!"
"Huh? Ang gwapo nga eh."
"Saang parte?" ngiwi niya sabay lingon at tingin mula ulo hanggang paa sa kaibigang walang kamalay-malay na pinagtsitsismisan.
"Nasasabi mo lang na pangit siya kasi nagkasagutan kayo. Pero bagay kayo ng boyfriend mo ha?"
Unti-unti na rin siyang nakahalata sa pagkatsismosa ng kausap. " Sinabi nang hindi ko yan boyfriend. Miss, mabuti pa bilisan mo yang pag-aayos ng bulaklak baka mas lalong mainip yang alalay ko."
" Ah sige po ma'am."
Napapangiwing tiningnan niya si Harry habang nag-aantay sa mga bulaklak. May tawag pa rin ng tawag dito. Kundi kinakansel ay hinahayaan lamang ng binata ang tawag. "Tsk gusto niya siya ang kasama ko mga lakad pero ang bilis namang mainip," bulong niya sa sarili.
Nang matapos ang pag-aayos sa dalawang flower baskets saka lamang lumapit ang kaibigan para bitbitin ang mga bulaklak. Hindi sila nag-imikan. Pagkalabas ng flowershop ninakawan niya nang matatalim na sulyap ang lalaki at nahuling nakatingin din ito sa kanya. Binigyan niya ito nang mabilis na irap sabay lakad patungong kotse.
"Sorry na. Ikaw naman kasi ang tagal mo," pag-amo ng binata.
Ilang saglit muna siyang nagpakipot bago ito pinansin. " Must you raise your voice?"
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1