Chapter 31

27K 1.3K 510
                                    

"What happened in there?" usisa ni Zeline nang mag-umpisa silang maglakad pabalik ng barracks.

"W-Wala naman. P-Pinangaralan lang ako ni Sir Carvajal," sagot ni Cassandra na pinipilit maging normal ang reaksiyon ng mukha.

"Nakakapanibago si Sir Carvajal. Parang nabawasan na ang pagkaistrikto niya sa atin. P-Pero bakit kaya ikaw lang ang pinagsabihan niya?" tila walang katapusang pagtataka ni Zeline. "Ah alam ko na!" bulalas nito nang may namimilog pang mga mata.

"Shhh... lower your voice," saway ni Cassandra.

"Alam ko na," biglang bulong ni Zeline. "He already talked to me earlier. Actually he didn't say much but the way how he asked me questions and the way he looked at me-..."

"How did he look at you?" medyo dudang tanong agad ni Cassandra nang magkasalubong ang mga kilay.

Napalingon sa kanya ang kausap. "Galit ka?"

"N-No," natatauhang pagkalma niya. "What were you saying again?" patay malisya nang sabi niya.

"I said, just the way he looked at me was enough to make me realize that I should do what I must do. Alam mo naman yan si Sir Carvajal, mga titig pa lang ay mapipilitan kang sabihin talaga ang naiisip at nararamdaman mo. Para bang alam na alam niya kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. Kaya ayun nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa mga upperclass ang totoo," may pagmamalaking tono ng kasama.

Napaisip si Zeline. Meron pang maaring isang dahilan kung bakit hindi na siya pinangaralan ng training officer. Marahil ay kinausap na rin ito ng kanyang lolo at isa rin ito sa mga ginamitan ng impluwensiya upang bigyan siya ng special treatment. Pero paminsan-minsan nagtataka siya kung talaga bang may epekto ang impluwensiya ng kanyang lolo kasi gaya ni 1st class Nagaya na isa daw sa mga pinangakuan ng lolo niya ng magandang deployment pagkagraduate ay tila kapantay din lang naman ng lahat ng plebo ang trato sa kanya.

Sinamaan ni Cassandra ng tingin si Cadette Funtanar. "Bakit mo sinabi ang totoo?"

Ginantihan din siya nito nang masamang titig. "Eh ikaw ba't hindi mo sinabi ang totoo?"

Biglang iwas siya ng tingin. Bakit niya nga ba hindi sinabi ang totoo? Ang orihinal na plano niya naman ay idadawit talaga si Cadette Funtanar kaso sa bandang huli napagtanto niya na kahit idawit niya ito hindi nangangahulugang hindi na siya mapaparusahan. Mas minabuti niyang siya na lang ang masaktan kesa may madamay pang iba kung hindi naman magbabago ang resulta.

Lumingon ulit siya sa kasama. "Because it's useless to tell the truth. They will still punish me no matter what I say. So why did you butt in? Tapos sinalo mo pa yung parusa na para sa akin. Para saan? Para pakonsensiyahin ako?" dismayadong pahayag niya.

"Because I don't want to be indebted to you," taas-noong sagot nito.

"Kung may balak ka rin naman palang umamin, dapat dun pa lang sa klase ni Ma'am Gozon ay umamin ka na," sumbat niya.

Saglit na nanahimik si Zeline. Bahagyang ngumuso ito at umikot ang bilog ng mga mata na para bang hindi isang kadete. "Ayoko nga baka ako naman ang palabasin. Buti ikaw matalino ka na, paano na ako kung di ko pa maririnig ang lecture ng teacher?"

"Ayan inamin mo rin na mahina ang ulo mo. Mayabang ka lang sa trainings," ngisi ni Cassandra.

"We have all weaknesses. Bakit ikaw perpekto ka ba?"

"I'm not perfect but I'm definitely not as mean as you."

"Bumawi naman ako sa huli ah," biglang malumanay na tono ni Zeline tapos sabay angas ulit. "Eh ikaw tong hindi nagbanggit sa pangalan ko malay ko bang magpi-feeling bayani ka diyan."

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon