Chapter 27

29.8K 1.5K 581
                                    




Pinatawag ni Dominic ang labing tatlong mga lalaking upperclass na  katuwang niya sa pagsasanay ng mga plebes.  Layunin niyang paaminin ang may kinalaman sa pagkakaroon ni Cadette Funtanar ng cellphone.

Dahil sa tanyag na kasabihang one for all, all for one, pinarusahan niya ang mga nakatatandang kadete sa kalagitnaan ng hatinggabi. Pinag-knuckle push-ups niya ng isangdaan hanggang sa may magkandasugat- sugat na ang mga kamay, pinagapang sa damuhan nang sampung beses na pabalik-balik, pinag squat ng isang oras, pinatakbo ng limang ikot sa oval... Pero wala ni isa mang umamin.

Siya na ang kusang nainip. Tinigilan niya ang pagpaparusa ngunit bago pabalikin ang mga kadete sa kanilang barracks ay binigyan niya muna ang ilan ng mga assignments.

"2nd class Buenaventura, 1st class Magiting, 1st class Javier. I assigned you the first drill tomorrow."

"Sir yes sir!"

"2nd class Gria and 2nd class Palma, you two facilitate the early morning exercise."

"Sir yes sir!"

"1st class Jimenez and 1st class Salonga, I assigned you the second drill."

"Sir yes sir!"

Nasa likod ang mga kamay na inikutan niya ang pangkat ng mga upperclass. "You might be wondering why I'm giving you that tasks. I want to sleep! Because some asshole here is keeping me awake at this hour! He has the courage to violate the basic rule but he doesn't have the guts to admit his mistake!"

Pormal at seryoso ang mukha ng mga kadete pero bakas na biglang nagpapakiramdaman ang mga iyon. 

"Dismiss!" sigaw niya matapos ang ilang sandali pang paghihintay niya na may umamin.

Nagmartsa papaalis ang mga kadete pero pinatid niya doon ang isa sa mga nasa huling hanay. Muntik na itong matumba buti na lamang ay nakabalanse agad.

"1st class Nagaya, you stay here," madiing sabi niya sa pinatid.

Lumapit ang kadete sa kanya. Napapalunok at madalas gumagalaw ang maigting na mga panga habang pilit dinidiretso lang ang tingin.

Nakangising tinitigan niya ito. "Our world is indeed full of heroism and tyranny. It's disheartening that even in our organization, there are those who are willing to die for their comrades and there are also those who don't care if their comrades die for them. And you 1st class Nagaya belongs to that second asshole kinds of comrades!"

"Sir Carvajal di ko po kayo maintindihan. Wala po akong ginagawang labag sa patakaran ng academy," kumpiyansang sagot ng upperclass.

Walang pasabing tinuhod sa tiyan ni Dominic ang first class. Natumba at namilipit ito sa sakit.

"I'll allow you to fight back! You've been trained for years  so I guess you're on a par with me now," galit na hamon niya dito.

"H-Hindi po ako lalaban sir."

Itinayo niya ang kadete. "Then are you going to confess your violation now?" ngisi niya.

"Wala po talaga akong alam sa sinasabi niyo sir." 

Sinipa niya ang likurang paa ng kadete sanhi para mapaluhod ito."Wala po talaga akong alam sa binibintang niyo," giit pa rin nito.

Hinawakan niya ang kuwelyo ng t-shirt nito at muling itinayo. "You know that I was trained to work at FBI, right?"

"Y-Yes sir..."

"Do you think I can join that organization if I can't do the simple task of unlocking a phone?"

Nag-umpisang mangatal si 1st class Nagaya.

Ngumisi si Dominic. "Nabasa ko ang usapan niyo doon ni Cadette Funtanar. Matagal mo nang ibinigay sa kanya ang cellphone. And all this time, both of you have been reporting to Gen. Funtanar about Cadette Monteverde. You're all planning to oust her because the general doesn't want a rival for her granddaughter. "

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon