Chapter 2

93.5K 3K 468
                                    


Hindi malaman ni Cassandra kung paano kikilos sa isang napakaliit na kuwarto. Pagkatapos ng isang kamang kasya lamang ang isang tao, isang maliit na kumot at isang unan ay isang makitid na espasyong kailangan niya pang tumaligid para makadaan. Sa taas ng higaan ay isang luma at maliit na hanging cabinet na sira-sira na ang pinto. Ang mga gamit niya pa lang sa maleta ay imposible nang magkasya dito.

"A pet house is even better than this one," bulong niya sa sarili habang iginagala ang mga mata. Ano bang nangyari sa Tito Melchor niya at sa ganitong klaseng lugar nakatira?

"Anong ipapakain natin diyan ha? Kulang na kulang na nga yang kinikita mo para sa gastusin natin dito sa bahay, may magdadagdag pa!"

"How can food be a problem?" nguso niya habang nakikinig sa usapan ng nasa katapat na kuwarto.

"Kanino ba kasing anak yan?!"

"Basta anak yan ng dati kong kasamahang nagresign na sa trabaho at nanirahan na lang sa probinsiya."

"Aba kausapin mo yung mga magulang! Ano to ipapasa nila sa iba ang problema nila sa anak nila!"

"Kakausapin ko nga pero paano ko magagawa yun kung kanina ka pa dakdak ng dakdak! Saka hinaan mo yung boses mo baka marinig ka nung bata."

"Kausapin mong mabuti ha? Siguraduhin mong uuwi din yan ngayong araw na ito."

"Oo na. Bumaba ka na. Pabayaan mo muna kami dito."

Nang maramdaman ni Casandra ang papalapit na mga yabag patungo sa kinaroroonan niyang silid, umayos siya ng upo sa gilid ng higaan at nagkunwaring walang narinig habang pangusu-ngusong tumitingin sa paligid.

"Okay ka lang ba diyan Cassie?" kalmadong tanong ni Melchor sa may pintuan.

"Yes."

"Pagtiyagaan mo na tong kuwarto ng panganay ko. Dito ka na lang muna magpahinga."

"Okay."

"Pasensiya ka na pala kanina hindi kita agad nakilala. Ang laki kasi ng pinagbago mo, dalagang-dalaga ka na. Kelan ba tayo huling nagkita?...hmmm..." humawak ito sa baba at tumingin sa kisame.

"When I was in grade six. Nung binyag ng bunso naming si Catherine."

Hindi alam ni Cassandra ang buong istorya kung bakit bigla na lamang hindi na sumulpot sa bahay nila ang dating kasamahan ng ina. Basta't ang alam niya ay nag-AWOL ito dahil may sinamahan o nabuntis na babaeng taga-probinsiya. Ang mommy niya na kahit sobrang sanggang dikit nito ay hindi na rin ito hinanap. Malaki kasi ang pagkakadismaya ng ina niya na basta-basta na lamang nitong inabandona ang trabaho nang walang anumang paliwanag. 

"Tama! Kita mo nga naman akalain mong  sa ganitong paraan pa tayo magkikita ulit," sabay problemadong padyak nito at kamot sa ulo. "Pero ba't ka naman ganyan Cassie? Ilang taon tayong di nagkita tapos bigla kang susulpot ng ganito! Paborito mo talagang pasakitin ang ulo ko ano?!" 

"I didn't want to come here. As I said, it was Tito James who instructed me. Kung hindi ko siya susundin wala akong matitirhan," kalmado't malumanay na sagot niya.

"Bakit ka naman nun ituturo dito? Saka paano niya nalaman tong address ko?"

Kumibit ng mga balikat ang dalaga. "Is that impossible for a high ranking officer? Tawagan mo siya and ask him how he did it."

Napapakamot sa ulong tumawa si Melchor. "E wala akong contact nun. Saka busy yun, imposibleng i-entertain nun tawag ko. Huwag mo na siyang idahilan, mabuti pa magpahinga ka na lang muna pero umuwi ka na rin mamaya sa inyo."

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon