"Bangon na! Bangon na!"
Tinakpan ni Cassandra ng unan ang mukha at binalewala ang malakas na boses ng kanyang Tito Melchor.
"Bangon na!" Niyugyog at hinila nito ang kanyang paa. Napilitan siyang magmulat sabay silip sa unan at tingin sa bintana. Nagbubukang liwayway pa lamang.
"T-Tito Melchor it's still too early..." garalgal ang boses na usal niya. "Ouch!" biglang daing niya nang makaramdam ng pananakit ng mga kalamnan.
"Mag-iigib ka ng tubig!"
"Bakit hindi kayo ang mag-igib? Are you treating me as your house servant now?" Balik sa pagpikit na tugon niya.
"Hindi kita ginagawang katulong! Parte ng pag-eensayo mo yan!"
"Pwedeng mamaya na lang... Ang sasakit pa ng mga joints ko. Pinagworkout niyo ako sa gym kagabi. Sadista yung trainor na ibinigay niyo sa akin. I have sore muscles now?"
Napaisip si Melchor. "Anong sore? Sore eyes?"
"Masakit po katawan ko," sabay komportableng dumapa sa higaan ang dalaga.
"Aba'y kulang pa sa banat yan. Mas dapat kang gumalaw para matanggal yan!"
"M-Mamaya na lang..."
"Cassie ang magiting na pulis kahit bugbog na bugbog na ang katawan, hindi pa rin sumusuko sa laban hanggat may natitira pang lakas!"
Humilik ulit ang dalaga na hindi man lamang naapektuhan sa pangungumbinsi ng kausap.
"Ay bahala ka kung ayaw mo!" napipikong wika ni Melchor. "Kalimutan mo na yang pagpupulis na yan kung sa paggising lang ng maaga ay nahihirapan ka na! O di kaya maghanap ka ng ibang magtuturo sayo! I quit!" Nakataas ang dalawang kamay na lumabas ito ng kuwarto. "Hindi ka makakatagal sa PNPA pag ganyan ang ugali mo! Umuwi ka na sainyo!" pahabol na sermon nito habang bumababa ng hagdan.
Napilitang bumangon si Cassandra. Mabilisang nagpalit siya ng t-shirt at short. Humihikab pang bumaba ng hagdan habang bumubulong-bulong sa sarili.
"Umuwi ka na sa inyo. Di ka makakatagal sa PNPA..." paulit-ulit na sambit niya sa sarili habang ginagaya ang tono ni Melchor. "He keeps saying same remarks in the morning. Bakit di niya na lang i-record and play it in my ears?" nakangusong bulong niya.
Kada umaga ay madaling araw siya ginigising ng kanyang Tito Melchor. Pinagjojogging siya sa Manila Bay o kaya sa PICC. Minsan ay isinasama siya sa madaling araw na pamamalengke upang pagbitbitin ng mga pinamili. Tinuturuan din siya kung paano makipag-usap at makipagtawaran sa mga tindera. Sa gabi naman ay pinageehersisyo at pinagbubuhat siya. Ipinasok siya nito sa mumurahing gym kung saan ka-close nito ang trainor. Dapat daw kasi ay bago dumating ang physical fitness evaluation sa PNPA ay marunong na siyang mag push ups, pull ups, sit ups at kaya niya na rin ang mabilis at walang tigil sa pagtakbo nang di bababa sa tatlong kilometro. Eto daw ang mga pinakabasic na dapat magawa ng isang kadete para matanggap sa naturang academy. Hindi nag-aalala si Melchor sa magiging score niya sa written exam, higit na pinag-aalala nito ang magiging resulta ng ebalwasyon ng kanyang lakas at pangangatawan. Hiling din nito nito sa gym instructor na dagdagan ng kaunting laman o muscles ang patpatin niyang katawan.
"What will I do now?" nababarinong tanong niya.
"Babangon ka rin naman pala, pinapagod mo pa ang ngala-ngala ko," ani Melchor na komportableng-komportableng nakasandal sa pintuan. "Halika dito," sabay labas nito nang bahay.
Sumunod si Cassandra at napasimangot agad siya nang makita ang dalawang malalaking baldeng puno na ng tubig na naghihintay sa kanya sa may gripo sa labas.
BINABASA MO ANG
THE AWESOME HEIRESS Road to Ambition
ActionGreat parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece of what their parents had. THE TALE OF CASSANDRA MARLENE MONTEVERDE BOOK 1