Chapter 30

30.3K 1.4K 740
                                    


"Ms. Hernan can you please approach that woman. No one assists her," utos ni Harry sa isang sales consultant na napadaan sa harap niya.

Nakatayo siya at nakapamulsang nagmamasid-masid sa paligid. Walang tigil ang paglabas-masok ng mga costumers sa showroom. Gumawa siya ng promotional event sa pinakamalaking branch sa Metro Manila ng HighLux Motors, ang kumpanya na kung saan siya inatasang maging CEO ng chairman. Mga imported na luxury at sports cars ang binebenta nila. Bagamat di na naman talaga kailangan ng Golden Pacific ang ganitong kumpanya pero marahil kaya ito binili ay dahil na rin sa personal na rason ng chairman. Hindi lingid sa kaalaman niya na mahilig iyun dati sa sasakyan lalong-lalo na sa sports car. Alam niya ring nung kabataan ng chairman ay isa itong magaling na racer. Marahil sa ngayon ay hindi importante sa Golden Pacific ang HighLux Motors ngunit pagbubutihin niya ang pamamahala dito upang mapabilang sa mga mahahalagang kumpanya ng korporasyon.

Sa halip na normal na twenty percent deposit, nag-ooffer sila ng ten percent lang at mas mababa rin ang interest rate sa installment payment. At kapag cash naman ay may ten percent discount.  Masaya siyang positibo ang resulta ng promo niya. Maraming naging inquiries sa kanilang hotline at marami ring personal na mga bumisita para makita ang model ng mga sasakyan. May mga nagdesisyong bumili on the spot at marami din ang nagfill-up ng  car loan application form.

"Sir Harry may naghahanap po sa inyo."

Lumingon siya kay Ms. Hernan. "Sino?"

"Ayun po?"

Sinundan ng mga mata niya ang nakaturong daliri ng babae. Kumunot ang kanyang noo at pansamantalang nawala ang sigla nang malaman kung sino ang naghahanap sa kanya. Si Natalie. Kumaway ito at kiming lumapit sa kinaroroonan niya. Nakabihis ito ng puting hanggang tuhod na bestida. May suot na puting headband at nakalugay ang lagpas balikat na buhok. Manipis ang makeup. Animong anghel na hindi marunong magalit.

"H-Hi," mahinang bati nito nang may sukat na sukat na ngiti.

"Hi," napapatikhim na sagot niya. "Are you here to look for a car?" kunway natural na tanong niya.

Dagling yumuko ito at inabot sa kanya ang isang paper bag. "N-No. I-I'm here to give you this."

"Ano yan?" hindi gaanong interesadong tanong niya nang hinahayaan lang na nasa kamay ng babae ang paper bag.

"P-Pinagluto kita ng lunch. This is one of my piece offerings. Galing ako sa office mo sa Golden Pacific but your secretary said you're here."

Napalunok siya. Tiningnan niya ang bag habang iniisip kung tatanggapin yun o hindi. "Why would you make lunch for me?" diretsong tanong niya.

"I-I don't want to visit you empty-handed. I've been waiting for your call. The last time we talked you said you'll think first. P-Pero mag-iisang buwan na ay hindi ka pa rin tumatawag kaya naglakas loob na akong puntahan ka," napapayukong paliwanag nito nang inaabot pa rin ang lunch bag.

Napipilitang tinanggap niya ang paper bag. Hindi niya kayang maging bastos lalo't pinaghirapan din naman iyong lutuin. Pumunta siya sa mesa ng mga empleyado at pinatong doon ang bag. "It's food. Kainin niyo sa lunchbreak niyo," alok niya sa dalawang babaeng staff na nakaupo doon.

"Pero sir mukhang bigay sa inyo ito?" atubiling wika ng isang staff nang napapatingin sa direksiyon ni Natalie

"Wala akong ganang kumain. Kainin niyo na kesa masayang," simpleng paliwanag niya.

"S-Salamat ho."

Bumalik siya sa kinatatayuan ni Natalie. Ngumiti ito sa kanya na tipong naghihintay may sabihin siya. Di siya umimik. Ngayong tinanggap niya na ang dala nito ay naghihintay na lang siya na magpaalam na ito.

THE AWESOME HEIRESS Road to AmbitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon