|| TWENTY FIVE ||

14.6K 454 18
                                    

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Isara mo nga yang bibig mo." Aroganteng pagkakasabi niya, saka niya ako nilagpasan, naglakad papunta sa tabi nila Lloyd at Ether at umupo.

Habang ako, nanatiling nakatayo at nakanganga sa direksyon na pinanggalinagan niya.

Si Christopher si Aster. Paano naman nangyari yun?

"Ayos ka lang ba Alice?" Tanong sakin ni Prinsipe Lloyd, hinawakan niya ako sa balikat, dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Ayos lang po ako, mahal na prinsipe." Pagkatapos nun ay umupo na ako, pero hindi pa din nawawala ang tingin ko kay Aster.

Bakit si Christopher ang nandito? Nasaan na yung bwiset na si Ivan?

Hindi naman sa mas gusto ko si Ivan ang gumanap kay Aster, kaya lang, pano naging si Leader?

"Ether, nasaan na ba si Aeros? Bakit hanggang ngayon, wala pa din siya?" tanong ni Lloyd kay Ether.

"Kuya, sigurado namang naghahanda pa yun, kaarawan niya ngayon at siya ang bida sa gabing ito, narinig ko din kanina na nag-uusap sila ng Mahal na Hari tungkol sa pamumuno ng kaharian, pero ayaw namang pumayag ni Aeros."

"Bakit naman?" tanong ni Lloyd.

"Dahil hindi naman daw siya ang dapat na magmamana ng korona, kungdi ang matagal nang nawawala na Mahal na Prinsesa, si Prinsesa Alicia."

"Alice." narinig kong tinawag ni Lloyd ang pangalan ko, pero hindi pa rin nawala ang tingin ko kay Aster. "Alice?"

"Ano bang problema mo sakin? Kanina ka pa nakatitig diyan!" Nagulat ako sa sigaw ni Aster nang makita niyang nakatitig ako sa kanya. Pero hindi dapat mawala ang focus ko, sa scene na 'to mag-aaway kami ni Aster.

"Ano din po ang problema niyo sakin? Simula po kasi nung pumasok kayo dito, parang inis na inis po kayo. May nagawa po ba akong hindi maganda, mahal na prinsipe?" Sagot ko sa kanya. In-character na ko guys.

"Ano bang pakielam mo?" saad niya. Marinig niyo pa lang yung boses niya, maiinis na kayo dahil sa tono ng pagsasalita niya eh. Parang hindi naman ganito si Aster ah, ano bang problema saken ng Christopher na 'to?

"Baket? Masama po bang magtanong?" sigaw ko naman sa kanya.

"Sinisigawan mo ba ko?"

"Hinde!" teka, sigaw na nga yata yun eh.

Pagkasigaw ko, tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit kung saan ako nakaupo ng dahan dahan, nakatingin siya sa mga mata ko, seryosong seryoso.

Hanggang sa nasa harapan ko na siya, nakaupo lang ako. Yumuko naman siya sa lebel ko at hinawakan ang magkabilang kamay ng inuupuan ko.

Nagsigawan ang mga nanonood. Dahil yun sa papalapit na mukha ni Aster sa mukha ko. Ano bang ginagawa niya?

Seryoso siyang nakatingin sakin.

"Aster, ano bang ginagawa mo? Tigilan mo na yan." Si Lloyd, napatigil si Aster. Mga ilang segundo lang at lumayo na din siya sakin, tumingin siya kila Lloyd at Ether. 

Saved by the bell.

Muntik na akong hindi makahinga.

"Wala." Tumingin na ulit siya sakin at ngumisi, saka siya umalis ng stage.

Ano yun?

Teka, nasa script ba yun? Bakit parang hindi naman namin napractice yung part na yun ah.

Pagkaalis ni Christopher, agad akong napatingin sa likod nila Jasper kung nasaan nakatayo si Sherry na may hawak nanaman na board.

Tuloy niyo lang sa susunod na scene.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon