"That sick b-stard! Bakit ba siya nandito?" narinig kong sabi ni Josef habang kausap si Daichi na buhat buhat ng Medical Team. "Don't worry Ichiro, gaganti kami para sayo."
"I'm fine JK. Don't do anything stupid, baka magalit sayo si Chris, lalo na't kapatid pa niya si Ivan." Huling sambit ni Daichi bago siya dalin sa sasakyan.
Nilapitan ko si Josef at hinawakan ang kamay niya na nanginginig sa galit.
"Josef, hindi tayo matatalo." At ngumiti ako sa kanya.
"Tama, hindi mo ba nakita yung tira ni Riza sa pitch ni Chris? Out of the Park! Pano naman kaya tayo matatalo dun?" biglang sumulpot si Nathan, pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Tumingin sila sa akin, natawa lang ako, yung awkward na tawa na mukha talaga akong tanga.
"Pwede ka bang sumali Pres? Hindi naman pwedeng sumali ang babae sa Men's baseball."
"Tsssss! Ako bahala diyan! Panuodin niyo ko. Easy lang 'to, piece of cake!" nagtinginan lang silang lahat ng may halong pagtataka. Bahala kayo, ipapakita ko sa inyo kung gaano ako kagaling.
Yung Mama nga ni Daichi napilit ko, yung umpire pa kaya? Sisiw lang yan saken.
------------
"Sorry Miss Alvarez, pero hindi na magbabago ang isip namin, hindi pwedeng sumali ang isang babae sa baseball ng mga lalaki. Masyadong delikado." Naiinis na sabi sa akin nung umpire na kausap ko, tumalikod siya sa akin.
Delikado? Wala sa diksyunaryo ko yan! Dami ko na ngang nabugbog na lalaki eh.
"Sige na po! Wala na kaming ibang players, kaya ko naman mag-baseball ehh. Captain po ako ng team namin last year kaya wala pong mangyayaring masama sakin. Marunong po ako."
"Hindi talaga pwede, kahit na champion ka pa sa isang world tournament, hindi ako papayag." Humarap siya sa akin. "There are rules Miss Alvarez, and if you really were a captain, you should be the person who know them best and that they should be strictly followed." Saka siya tuluyang tumalikod at umalis papunta dun sa ibang officials.
Lagot! Baka madisqualify kami.
"Tek--------" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang tinakpan nung mga gunggong ang bibig ko at hinitak ako pabalik sa Dugout.
Hinawakan ni Jasper ang magkabilang balikat ko. "Tama na Pres! Gagawan na lang namin ng paraan." Inalis nila ang kamay nila sa bibig ko."Magpapasok na lang kami kahit hindi player ng baseball, kailangan lang may pumalit kay Ichiro. Pag dumating si Chester, ipapasok namin agad at babawi na kami sa at-bat namin."
"Stupid idiot!" napatingin ako sa panget na orangutan na nagsabi nun.
Tinaasan ko siya ng kilay habang nakaupo siya sa isang bench. "Stupid Idiot? Eh ano naman ang gusto mong gawin ko? Panuodin kayong matalo?" ngumisi lang siya, sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Lumapit naman ako hanggang sa nasa harap na niya ako. "Bakit?"
"Aray!" pinitik niya ako ng malakas sa noo, dahilan kung bakit ako napahawak dito. Eh bwiset ka pala talaga eh! Ingungudngod ko na talaga yang gwapo mong pagmumuka sa sahig!
Tumayo siya. "You really are a stupid idiot." At saka niya kinuha yung cap niya at sinuot ito. Lumakad siya lampas sa akin ng bahagya bago siya huminto. "Are you seriously thinking that we are going to lose?" naglakad siya ulit, pabalik sa mound. "Bakit hindi ka na lang umupo diyan at manood." Tumingin ako sa kanya. "Panuodin mo kung pano manalo ang isang S-D laban kay Xeron at Ivan." Natulala ako, umalis na siya ng tuluyan.
Sumunod na din yung mga kaklase kong gunggong.
"You heard the Captain." Tinapik ni Nathan ang balikat ko bago siya sumunod kila Leader.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AçãoWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.