Sinubukan kong habulin si Christopher, pero may mga lalaking humarang sakin, nakasuot sila ng itim na tux. "Mga epal! Lumayas kayo sa daanan ko!" sinugod ko ang harang na ginawa nila, pero pinigilan nila ang kamay ko. Wala akong panahon para dito!
"Christopher! Ano bang ginagawa mo? Ano ba 'tong nakikita ko?" sigaw ko habang sinuusubukang pumiglas sa mga lalaking naka-hawak sa braso ko. "Sabihin mo! Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganito di ba? Hindi mo naman magagawa 'to di ba?" napahinto siya sa paglalakad, tumingin siya sa gilid niya habang nakatalikod pa rin.
"Ano bang alam mo? Isa ka lang namang pakielamerang babae na mahilig maglihim sa mga kaibigan niya," tumawa siya, halatang halata sa boses niya ang pagiging sarkastiko. "---o kaibigan nga ba ang turing mo sa kanila? Kung ako sayo, hindi na ako mangingielam." Saka siya nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ako naman, napatigil.
Binitawan ako nung mga kahina-hinalang lalaking nakaitim at umalis na din. Pero pag tingin ko, wala na si Christopher, nakaalis na siya.
Napaluhod at napayuko na lang ako sa mga nangyari. Sinuntok ko gamit ang kanang kamay ko ang lupa, ilang beses ko 'tong ginawa hanggang sa dumugo na ito. Kagagaling lang nito pero agad bumalik ang sakit.
Shit!
Christopher, ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba talaga?
Hindi ko na lang namalayan, tumulo na ang luha ko. Bakit? Bakit ako umiiyak?
"P-Pres. Bakit ka ba umiiyak?" itinaas ko ang ulo ko at nakita kong isa isang tumatayo ang mga panget kong kaklase. Kitang kita na hirap na hirap silang tumayo, pero kahit ganun, ginawa pa din nila at nagtipon sa harap ko.
Bakit ba ako umiiyak? Bakit ngayon pa? Bakit sa harap nila?
"A-Ano ba yan Pres! Ang panget panget mo na nga, umiiyak ka pa." napatingin ako kay B.I, punong puno ng galos yung mukha niya. Hindi lang siya, lahat sila sugatan, mas lalong lumakas ang pagtulo ng luha ko, pero pinipigilan kong gumawa ng tunog na parang bata.
"Si Christopher ba ang may gawa nito sa inyo?" pinigilan ko ang iyak ko at nagtanong ng maayos. Pero ang sagot na nakuha ko ay pagyuko lang at pag-iwas sa tingin ko.
Napakahina ko! Isa akong walang kwentang tao! Kung hindi sana ako nagpabaya, ehh di sana hindi ko na kinailangan umabsent at hindi sana mangyayari 'to! Bakit ba kasi ngayon pa ako nawala dito eh! Nakakainis! Nakakainis!
"Uy Pres! Wag ka nang umiyak! Sige ka, papanget ka talaga niyan." Sabi ng isa.
"Pres, tahan na."
"Pres, wag ka nang umiyak."
"Uy Pres. Tahan na please, sige ka, iiwanan ka namin dito."
Ilang minuto din akong umiiyak, kung anu-ano na nga yung ginawa ng mga gunggong para lang mapatahan ako eh. Ano ba kasi 'tong ginagawa ko? Ginagawa na nga nila ang lahat para mapatigil ako pero ayaw ko pa din. Hindi ako dapat nagkakaganito. Ako ang Class President, hindi ako dapat maging pabigat sa kanila.
Pinigil kong tumulo ang mga luha ko at sinubukang ngumiti. Hindi dapat ako magpakahina sa harap nila.
"Haha! Kayo talaga! Ingungudngod ko yang pagmumukha niyo sa lupang kinatatayuan niyo eh!" natatawang sabi ko. Nagtinginan silang lahat saka sila tumawa. "Napuwing lang ako kaya ako umiiyak."
Riza naman, humahagulgol ka diyan dahil napuwing ka?
Saya mo ah.
"Pres talaga."
"Nagbalik ka na din!"
"Alam ko na may dahilan siya." Nakayukong sabi ni Daichi, sinara niya ang kamay niya na parang nagagalit. "Hindi niya gagawin 'to samin."
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AçãoWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.