Riza's POV
"And so---this girl right here is going to be your new classmate, so please take care of her." Teach gestured to the girl standing beside her. "At aalis na muna ako dahil may importanteng meeting akong pupuntahan." Saka siya naglakad palabas ng room, at as usual, mukhang inaantok nanaman.
Sigurado ako matutulog lang yang si Teach.
Agad pinalibutan nung mga gunggong yung babae sa harap na nagpakilalang Rian.
Pamilyar yung pangalan na yun, parang narinig ka na siya.
Rian Ramirez.
Rian Ramirez.
Pamilyar talaga eh.
"Pres?" napatalon ako, literal na napatalon nang biglang may dumapong kamay sa balikat ko. "Baliw ka ba?"
"Daichi ikaw pala. Nagulat ako sayo eh." Ibinalik ko ang tingin ko dun sa mga gunggong na nakapalibot kay Rian, sunod ay sa kanya naman.
Nang tingnan ko siya, biglang nag-iba ang pakiramdam ko.
Nakatitig siya sakin, nakatitig siya ng masama, umiwas na lang ako ng tingin para wala ng mangyaring hindi kaaya-aya.
Ilang minuto na ang nakalipas pero ganun pa rin ang scenario.
Nakaupo na si Rian pero pinapalibutan pa din siya ng mga gunggong. Ang mga taong hindi lang nakalapit sa kanya ay sina Lester, B.I, Bobby, Nathan, Jasper, Chester, Josef at Daichi.
Nanatili pa din ang kaguluhan sa klase, nahinto lang ito nang biglang bumukas ang pinto at kumalabog ito sa pader.
R.I.P. pinto.
Napako ang tingin naming lahat sa direksyon ng nakatiwangwang na pinto, dahil ang nagbukas ng pinto na yun ay si Christopher. Inikot niya ang tingin niya sa buong classroom at huminto siya saka ako tiningnan.
Nakapamulsa ang kamay niya at nakababa ang buhok.
Ang gwapo talaga ni Christopher.
"Christopher."automatic akong napatayo. "Bu-Bumalik ka na!" unti-unti siyang naglakad papunta sa direksyon ko.
Inasahan kong hihinto siya sa tapat ko at ngingitian ako, pero hindi ganun ang nangyari.
Yumuko siya at nilagpasan ako, saka siya dumiretso sa tabi ni Rian. Kinapit ni Rian ang kamay niya kay Christopher at saka siya sumandal sa balikat nito.
Teka.
Teka nga lang.
Ano bang nangyari?
Nilagpasan nga ba ako ni Christopher?
Naiwan ang mga tingin ko sa pinto kung saan nanggaling si Christopher.
Si Christopher.
Nilagpasan ako?
"Riza."
"Pres."
"Pres."
"PRES!" napatalon ulit ako dun, literal.
Nabalik ako sa realidad nang sigawan ako nila Josef. "Sorry." Biglang nag-iba ang kilos ko. Hindi ko maipaliwanag eh, pero napansin siguro ni Nathan 'to dahil pumwesto siya sa harap ko at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"You're spacing out. Snap out of it." Sabi niya saka siya ngumiti.
Ilang segundo ang tinagal bago maproseso sa utak ko yung sinabi niya. At nang makuha ko na ang mensahe niya, binigyan ko siya ng isang ngiti para hindi na siya mag-alala.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.