Riza's POV
Masaya ako at natapos namin ng maayos ang School Festival, ilang araw na akong hindi nakakapasok dahil sinabihan nila ako na magpahinga na muna. Pagkatapos ng nangyari sakin, lagi na nila akong binibisita sa ospital, naninibago nga ako dahil hindi nila ko inaaway eh.
Si Christopher naman, hindi ko nakikitang kasama nila Daichi, pero tuwing alas dose ng gabi, maririnig ko na bubukas ang pinto at makikita ko na lang si Christopher. Unang gagawin niya ay papalitan ang mga bulaklak sa lamesa at uupo sa tabi ko. Hahawakan niya lang ng mahigpit ang kamay ko na may bandage.
Dalawang sunod gabi na akong nasa ospital at ganun ang lagi niyang ginagawa, hindi magtatagal ay aalis na din siya. Nagkukunwari na lang akong tulog para hindi niya ako pansinin.
Ngayong araw na din ang labas ko, hindi naman kaya ganun kalala 'tong sugat ko. Masyado lang naman kasi silang OA, kayang kaya ko pa ngang humawak ng baseball bat nung araw na nangyari yung insidente na yun eh.
Maya maya lang ay dumating na din sila Papa para sunduin ako. Kasamaniyasila Henry at Jason. "Chief!" sigaw nung dalawa sabay saludo.
Nginitiankosila, pero may mali eh. "Teka, nasaan si Mino?" tanong ko habang hinanap sa likod nila si Mino. Nakakapagtaka, hindi mawawala si Mino pag mga ganito eh.
"Umuwi po si Mino sa kanila, pinatawag daw po siya ng Lolo niya." Magalang na sagot ni Jason.
Ahh ganun pala, medyo nalungkot ako na wala na si Mino, wala na kasi akong mabubully eh. Sana bumalik na siya agad para makumpleto na ulit kami.
"Papasok ka na ba agad sa school? Magpahinga ka muna kaya ng mas matagal." Si Papa.
Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta akong school mamaya, gusto ko kasing bisitahin yung mga gunggong eh, baka mamaya kung anu-anong kalokohan nanaman ang pinag-gagagawa nila habang wala ako dun.
"Opo Papa, pero bibisita lang naman ako." Mahinhing sabi ko, dahilan naman ng pagkagulat nila. Natulala sila sakin ng ilang segundo, hindi nagtagal ay lumapit na din si Papa sakin at pinatong ang kamay niya sa noo ko.
"Anak, may sakit ka ba?" hindi ko nagets yung sinasabi niya. "Bakit parang may ibasayongayon?"
Tiningnan ko siya, nagtataka. "Po?"
"Kasi, parang mahinhin ka ngayon eh." tiningnan niya yung dalawa saka tumawa. "Hindi kasi bagay sayo." saka sila nagtawanan, nainis ako bigla.
"Isa pa po, paguuntugin ko na po kayong tatlo, para wala ka nang masabi." sabi ko ng nakangiti, napata
Riza Alvarez, President ng Class S-D ng Denzel High.
Pagkauwi ko sa bahay namin, inayos ko agad ang gamit ko at umalis na papuntang school.
Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa school, hinarang kaagad ako ng principal namin at dinala sa office niya. Ano naman kayang problemang principal na 'to? Ang principal nga pala namin ay isang binatang lalaki. Kahit na binata pa lang siya, isa talaga siyang magaling na leader.
Pinanuod ko lang siya habang nakaupo ako at naglalakad siya paikot-ikot sa harap ng table niya. "Ano po bang problema?" tanong ko sa kanya para masira na ang katahimikan at matigil na din siya sa nakakahilong paglalakad niya.
Naglakad siya papunta sa table niya, hinitak ang upuan at umupo dito.
"Balita ko may nangyari daw sa School Play niyo." Nagulat ako sa tanong niyang yun. Ang bilis naman kumalat ng balita.
"Ahhh, yun po ba." Teka, pano ko ba "to papaliwanag sa kanya? "Ganito po kasi yu-------"
"Ikaw ang pinunta nila diba?" pinatong niya ang baba niya sa dalawang kamay niya at tumingin ng seryoso sa mga mata ko. "Demon Princess." Kung nakatayo lang ako siguro napaatras ako ng sobrang layo sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.