This chapter is dedicated to everyone of you.
Ano bang inagawa niya?
"Do you know how freaking hard it is to keep you out of my mind everyday?" nagulat ako sa sinabi niya, alam kong papalapit na siya, pero ayoko pa ding humarap.
Mahirap kasi. Sobrang hirap.
"Did you even think about what we would feel after leaving us?" napayuko ako. Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko. "---what it would do to me?"
Christopher, wag ka nang lalapit please lang. Please.
Rinig na rinig ko pa ang mga yapak niya habang papalapit siya sakin. At kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko pa din ang paghihirap sa bawat salitang binibitawan niya.
"Riza." napatigil ang paligid ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "Talk to me." pagkatapos nun ay huminto siya sa gilid ko.
Ayokong lumingon sa gilid ko. Ayokong makita ang mukha ni Christopher. Kasi kapag ginawa ko yun, baka mas piliin ko nang hindi ituloy ang pag-alis ko.
Alam kong masasaktan ko sila sa gagawin kong ito, pero mas lalo silang masasaktan kung hindi ko ito gagawin.
"Riza." kita ko ang pagluhod niya sa gilid ko upang magibg nagkalebel ang ulo naming dalawa. "Come back to me."
Pumikit ako para hindi ko siya makita, lalo lang kasing sumasakit ang puso ko kapag nakikita ko siya kahit sa gilid lang ng mga mata ko.
Hindi nagtagal, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka niya ito itinapat sa direksyon niya, hindi pa din ako dumidilat. "Open your eyes."
Hindi ko ito sinunod.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Pero wala nang nagsalita pagkatapos nun.
Ilang segundo lang ay may naramdaman akong dumikit sa ulo ko, automatic naman na napadilat ako upang tingnan kung ano man yun.
Pagdilat ko, nakita ko si Christopher na nakapikit. Nakapatong ang noo niya sa akin at nakahawak naman ang mga kamay niya sa pisngi ko.
Bigla namang tumibok nang mabilis ang puso ko nang makita ko ang luha sa mga pisngi niya. "Chris?" mahinang sabi ko. Hindi niya idinilat ang mga mata niya pero ngumiti siya.
"Chris, bakit ka umiiyak?" katulad ng ginawa niya, hinawakan ko din ang magkabilang pisngi niya para punasan ang mga luha na tumutulo mula sa mata niya.
Pagkatapos ay dahan dahan niyang idinilat ang mata niya at tumingin sa mata ko. Kitang kita mo ang lungkot sa mga mukha ni Chris.
Naguguluhan na ako.
"It's because of you, idiot." sabay pisil sa kanang pisngi ko. Napa-aray ako sa sakit, pero nawala din ito nang makita ko ang mga ngiti niya.
Chris.
Ilang segundo niya akong tinitigan, pagkatapos ay inilapit niya ang labi niya sa pisngi ko at hinalikan ito. "Come on, let's go back." saka siya tumayo at akmang hihitakin na ako, pero hindi ako pumalag sa kinauupuan ko. Napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa ko. "What now?"
Yumuko ulit ako. "Chris, wag mo akong pilitin."
Halatang nainis siya nang sabihin ko yun. "Not this f-cking crap again!"
"Para sa inyo 'tong ginagawa ko Chris, bakit ba hindi mo maintindihan yun?"
"Then we don't need you to do this! You don't have to do anything for us! Just return to the way we used to be." humigpit pa lalo ang hawak niya sa kamay ko sa bawat salitang binibitawan niya.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.