||FOURTY TWO||

12.6K 399 30
                                    

"Pres" tawag ni Daichi habang binubura ko yung mga nakasulat sa blackboard.

Tumingin ako sa kanya at saka siya tinaasan ng kilay, pero hindi naman yung parang maarte. Yung parang 'bakit?' na itsura lang.

Tumingin siya sa direksyon nila Christopher at Rian saka bumalik ng tingin saken. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Napabuntong-hininga ako, ilang segundo lang ay ngumiti ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang dalawang kamay ko sa balikat niya. "Ayos lang ako Daichi, wag ka nang mag-alala."

"Anong kaguluhan 'to!" Napatigil kaming dalawa at napatingin kami sa likod ko kung saan nanggaling yung boses na kulang na lang mabingi ako sa sobrang lakas.

"Ano ba naman yan Chester!" Tinakpan ko ang tenga ko nang pang-asar. "Maawa ka naman sa mga taong gustong mamuhay ng tahimik." Sarkastiko kong sabi.

Pero nagulat na lang ako sa bigla niyang pagyakap sakin na parang bata. "Ate naman eh!" Aba! Nagbaby talk pa!

"Kadiri ka Chester! Lumayo ka nga saken!" Pilit kong nilalayo yung pagmumukha niya pero ayaw niyang bumitaw. "Nasiraan ka na yata!"

"Madaya! Bakit mo niyayakap si Pres!" Sigaw naman ni Josef na kapapasok lang ng room, saka siya tumakbo papunta sakin at yumakap din.

Mga bwiset naman! May mga sakit ba 'tong mga 'to?

Ganun na nga siguro, gusto lang nila akong hawahaan ng malalang virus nila kaya nila ko ginaganito!

"Luma---Aray!!!" At mas lalo na ngang lumala ang sitwasyon.

Panu nga kase, dinumog na ako ng mga gunggong! Buti na lang pinatigil sila ni Nathan. "Riza, ok ka lang?" Tanong niya habang tinutulungan niya ako patayo.

"Oo ok lang." Nginitian ko siya nang makatayo na ako. "Thanks."

-BLAM-

Nagulat kami nang may kumalabog sa bandang likod ko. Agad naman akong napalingon nang marinig ko yun.

"Ano bang ginagawa mo?" Galit na tanong ko kay Chris nang makita kong nakabaliktad sa sahig ang mga lamesang nakapaligid kay Christopher. "Nababaliw ka na ba?" Nakatingin pa siya ng masama sakin.

Ouch! Teka, sumasakit yata yung puso ko. Bakit ba kasi ang ganda ganda ng mga mata niya?

Lumapit naman sakin sila Daichi nang sumigaw ako para pakalmahin ako.

"Daichi, pwede mo bang akong tulungang ayusin 'to?" Biglang singit ni Rian bwiset na feeling maganda sa eksena.

Pero hindi gumalaw si Daichi. "Daichi!' Tumingin ng masama si Rian kay Daichi at tinaas niya ang boses niya, kaya naman napilitang lumapit si Daichi kahit na halata namang ayaw niya. "Kayo din, tumulong na kayo." Sinenyasan niya yung iba pang lalaking nakalapit sakin.

Inis silang lumapit kay Rian at inayos yung upuan. Ngumiti muna sakin sila Nathan bago siya umalis. "It's going to be all right."

"Now what?" Napatingin kami sa may pinto nang may biglang sumulpot at dire-diretsong naglakad papunta sa teacher's desk. "Back to your seats!" And as usual, para nanamang ilang linggong hindi natulog si Teach.

Pero sinunod din naman namin siya at umayos na ng upuan. Ngayon ay nasa gitna nanaman ako at mag-isa. Tatabihan sana ako nila Daichi pero biglang tinawag sila ni Rian na may kasamang tingin, yung masama.

"Sorry." Bulong na lang nila sa akin bago sila tumabi kila Rian at Christopher.

Hindi ko maintindihan.

Delinquent High [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon