"Tahimik muna! May sasabihin ako!" sigaw ko sa kanila mula sa harap ng classroom, pero hindi pa din sila tumigil sa pag-iingay. "Hoy mga gunggong! Makinig muna kayo sandali!" sigaw ko ulit, kasunod ng isang malakas na bambo sa lamesa.
Napatingin naman silang lahat saken.
"Ano nanaman ba problema mo panget?" Pigilan nyo ko, sasapakin ko na talaga 'to.
"Sige, kunwari wala akong narinig." Iniba ko ang tono ng boses ko kasi baka mamaya hindi ako makapagpigil. "Mamaya, mag-aayos na tayo ng classroom kaya maiwan kayong lahat dito." Pagkasabi ko nun ay bigla silang nag-ingay, nagproprotesta.
"Mag-ayos ka mag-isa!"
"Bakit mo ba kami inuutusan!"
"Kapal ng mukha mo ah!"
"Ako kasi ang class president niyo!" sigaw ko, nagsitawanan lag sila. "Tingnan nyo yung pinto." tinuro ko yung pinto na malapit ng masira "Bibigay na yun, isang malakas na sara na lang. At tingnan nyo yung pader natin, ang panget kaya tingnan. Pipinturahan na din nati------"
"Manahimik ka na nga" biglang sumulpot si Christopher.
"At saan ka nanggaling? Bakit late ka? Anu nanaman bang--------"
"Manahimik ka nga kako diba!" lumakad siya papunta sakin, hinigit ang kamay ko at hinatak ako papalabas ng classroom.
"Bitawan mo nga ako."
Hinila niya ako hanggang sa tapat ng kabilang room at humarap siya saken.
"Bakit ba?" tanong ko na may kasamang inis. Nakatingin lang siya saken na seryosong seryoso.
Humakbang siya ng isa, napaatras naman ako, humakbang ulit siya at napaatras ulit ako hanggang sa naramdaman ko na ang pader sa likod ko. Shit! Ano bang ginagawa niya?
Ibinagsak niya ang kamay niya sa pader ng malakas, malapit sa ulo ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumingin ako sa kabilang banda, hinarang niya din ang kamay niya. Napatingin na ulit ako sa kanya.
"Sabihin mo nga." Inilapit niya ang mukha niya saken. "Nasan ka kahapon?"
"Kahapon? Na-nandito sa school."
Muntik na akong mabingi sa sahil binambo niya ang kamao niya sa pader, dahilan ng pagkagulat ko.
Shit!
Ang sakit nun!
Bwiset 'tong lalaking 'to ahh.
"Don't lie to me! I saw you yesterday! Tinanong ko na din sila Daichi na wala ka dito kahapon dahil bigla kang umalis nung nalaman mo na makikipag-away ako!"
Masama 'to.
Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari kahapon.
"Ah hindi ahh, ni hindi ko nga alam kung saan mo ako nakita eh!" umiwas ako ng tingin.
"Look at me!" automatic akong napatingin sa kanya. "Saan ka pumunta kahapon?"
Kailangan ko na ng isang matinding palusot dito guys! Tulungan niyo ko. "Ahh ehh kaya kasi ako umuwi kahapon kasi....."
"Kasi ano?"
"Kasi—" tinitigan niya lang ako, umiwas na lang ako sa kanya at sinabi ang dahilan ko. "Kasi natatae ako"
Jusmiyo! Lamunin na sana ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Bakit ba yun ang lumabas sa bibig ko? "Oo, yun nga, natatae na kasi ako kaya umuwi ako, ehh hindi pa rin nawala, kaya hindi na ako pumasok."
Sa sobrang lakas ng tawa ko, nairita na yata si Christopher at mas lumakas din yung paghampas niya sa pader.
"Ehh ano 'to? Ipaliwanag mo nga?"

BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
AksiWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.