"Riza Alvarez? Haha!" sigaw ko. "Oo, ako nga 'yon." Lumapit ako sa harap ng salamin na parang may kausap ako. "Demon Princess? Haha—Si-Sino 'yon? Hindi kami friends nun! Di ko nga kilala 'yon eh! Haha." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang ginagawa ko 'yon.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Mukha akong tanga."
Inayos ko ang uniform na matagal ko nang hinihintay na suotin. Sinamahan ko pa ng mga accessories na regalo sa akin: ribbon, panyo, pabango, bracelet, at kwintas.
Huminga ako nang malalim at saka ngumiti sa repleksyon ko. "Good," sabi ko sa sarili ko. "You'll be fine."
Narinig ko ang sigaw ni Papa mula sa baba. Agad akong napatingin sa relo—male-late na ako kung hindi pa ako aalis.
"Pa! Pasok na po ako sa school!" sigaw ko habang nasa harap ng pintuan, palabas ng bahay. Kinuha ko ang bagong sapatos na regalo sa akin nina Henry at isinuot ito.
"Regalo po namin sa inyo, Chief!" sabay-sabay nilang sigaw habang iniaabot sa akin ang isang kahon ng sapatos. "Good luck po sa first day niyo!"
Nangiti ako habang sinusuot ito.
"Sandali lang!" Nabitiwan ko ang isang kabiyak ng sapatos nang biglang sumulpot si Papa kasama ang mga estudyante niya, dala-dala ang lunch box na nakabalot ng panyo.
"Chief! Paalam na po!" sabay-saludo nila sa akin. Sumaludo rin ako at nagpaalam.
"Chief!" Hinabol ako ng tatlong disciples ni Papa. Huminto sila sa harap ko at pinatong ang kamay sa balikat ko.
"Basta, Chief, pag may tumingin sa 'yo ng masama, sapakin mo na agad para hindi na makangawa!" maangas na sabi ni Mino.
"Kami po bahala sa inyo."
"Tumawag lang po kayo kung kailangan niyo ng backup." Pashadow-boxing pa 'tong isa.
Agad kong inalis ang kamay ni Henry sa akin. "Tumigil nga kayo! Hindi 'yan gawain ng isang mahinhin na babae!" sigaw ko. Natigilan naman sila.
"Teka, anak," nagtatakang lumapit si Papa. "Mahinhin na babae ka ba?" Sabay-sabay silang nagtawanan. Pinanlisikan ko sila ng mata kaya natahimik din.
"Isa pa, pagbubuhulin ko kayong lahat!" Tinulak ko sila patabi at lumayas bago pa ako makagawa ng hindi kanais-nais.
Ah! Ano ba, Riza! Hindi ka dapat ganyan mag-isip.
Ang pangalan ko ay Maria Teresa Alvarez. Gusto ko sanang isipin na isa lang akong normal na high school student—incoming 4th year ngayong taon. Ayoko mang sabihin, pero hindi naging maganda ang nangyari sa dati kong school kaya napilitan akong lumipat.
Riza na lang ang itawag n'yo sa akin. Pero kung gusto niyo akong tawaging Demon Princess, pwede rin. Basta humanda kayong magtago sa akin.
Ang totoo, lumipat ako ng school para magbago. Gusto ko na ng normal na buhay kagaya ng ibang kaedad ko. Kaya ngayon, eto ako: trying hard.
Naglakad ako papunta sa bagong school. Malapit lang naman, mga sampung minutong lakad mula sa bahay namin.
Pero ewan ko ba, bigla akong kinabahan. Parang may kakaiba akong nararamdaman, na parang may sumusunod sa akin? O baka naman guni-guni ko lang?
Haha. Pero imposible namang kilala nila ako rito, 'di ba? Dito sa lugar na ngayon ko pa lang napuntahan?
Hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Paminsan-minsan, lumilingon ako, pero ibang estudyante lang naman ang nasa likod ko, suot din ang uniform tulad ng akin.
Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bagong school ko.
Napangiti ako.
Denzell Private High School.
BINABASA MO ANG
Delinquent High [EDITING]
ActionWala naman akong hinangad kungdi katahimikan at bagong buhay. Pero nalaman ko na hindi pala ganoon kadali makuha ang mga bagay na gusto mo.
![Delinquent High [EDITING]](https://img.wattpad.com/cover/15332945-64-k217966.jpg)